Maricar Santos, Gerald Madrid’s new prospect

Maricar Santos, Gerald Madrid's new prospect

OLA CHIKA! SUPER-BUSY talaga ang aking magandang friend na si Maricar Santos, este, Madrid na pala ngayon. Ay, pasensiya na, nadulas ako! Hindi baguhan sa showbiz si Maricar. Bukod sa lumabas na siya sa pelikula, siya pa ang producer. At ngayon nga, kinahuhumalingan naman niya ngayon ang sports.

Ay, bonggacious, ‘di ba? Lahat ng tao, mahilig d’yan, lalo na ako. Dahil ang Lola Maricar Santos Madrid nga, magpo-produce ulit ng bagong show na mapapanood sa CS9, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi. Bongga, ‘di ba?! Ang show ay para sa mga artista na mahilig sa suntukan, at hindi lang mga artista, dati pati mga professional boxers, join din. Kaloka!

Para sa kaalaman ng lahat, maraming mga artista ang pumila at gustong makipagbasagan ng bungo. Aray naku! Kabilangan na nga rito sina Emilio Garcia, Christopher Roxas, Michael Flores, Juddah Paolo, Rob Sy, Rico Robles, Chad Peralta, at Joem Bascon. Ay, gusto ko ito, puro mga fafa! Nakakaloka naman! Featuring nga rin sa show ang mga real – remember, real – amateur boxers, at produced ito ng JPE Incorporated, in cooperation with Singapore Capital, Ltd., at Brainworks, Inc.

Kaya kaming mga taga-Pinoy Parazzi, naku, makukunan namin ‘yan kung kaninong bungo ang mababasag. Aray naku! ‘Tsing lang! Mapapanood natin ang Celbrity Warriors Boxing Series simula ngayong June 13, every Saturday, 7pm-8pm sa CS9. Bonggacious, ‘di ba? Siyempre, ‘di rin basta-basta ang mga host, dahil celebrity rin at commercial models na sina Kat Alano at Carlos Morales, directed by Richard Arellano. Naks, bongga talaga!

SPEAKING OF MARICAR Santos Madrid, hahaha! Kaloka, bakit siya Madrid? Dahil ‘yun ang bagong bansag sa kanya ngayon. Siya raw kasi ang kapalit ni Alma Moreno sa buhay ni Gerald Madrid. Kalerke!

Marami ngang mga chikang naglalabasan, at nagtatanong kung siya ba ang naging dahilan ng hiwalayang Alma at Gerald. Kalerke! Halos ngumiti lang ang magandang producer sa isyung ibinabato sa kanya ngayon. Basta ang alam ng inyong Tita Swarding, siya ngayon ang kinalolokohan ni Gerald, o sila nga ba? Hahaha! Ay, nagtatanong lang, ha?

Kaya pala bonggang-bongga si Maricar noong nakaraang PMPC Star Awards for Movies, dahil siya pala ang tatanghalin at napiling Star of the Night, kaya lang nahuli siya ng dating sa pinagdausan ng event. Kaya nagpapasalamat na lang si Maricar ngayon sa mga bumubuo ng PMPC, at kay Mr. Oliver Tolentino, ang kanyang fashion designer. Bongga talaga!

SPEAKING ULIT OF Carlos Morales, nalerke talaga ako kay Maricar, ha? Tinalo pa kasi niya ang mga bading. Hahaha! Pinagkakaguluhan talaga siya ngayon ng mga hunk actors. Hmm… dahil nga nagpaparamdam ang nakuha niyang host ng celebrity boxing na si Carlos, na matagal na pala sila. Kaloka, ha?!

Kaya pala siya ang kinuhang host sa nasabing show. Naku, talbog ang beauty ko. Remember, produced ito ni Maricar Madrid. Hmm… ano kaya ang masasabi ni Alma Moreno rito?

Dagdag pa kay Carlos, matagal na rin pala nitong pinagseselosan ang batang aktor na si Joross Gamboa. Ang ending, sa susunod na gagawing movie ni Maricar na ipo-produce niya rin, si Carlos na ang bida, na sinasabi ngang nanliligaw pa rin sa kanya, hanggang nagyon. Kalerke, ha? ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding