Maricar Reyes, still in the Philippines

ADVERTISING

Maricar Reyes, still in the Philippines
LAST MINUTE REPLACEMENT si Christopher Roxas kay Ryan Eigenmann sa celebrity boxing match ni Direk Richard Arellano na WARRIORS. Sinuhulan daw ng ina ni Ryan na si Gina Alajar ang anak ng trip to US para huwag lang sumali sa WARRIORS na magsisimula na ang telecast sa CS9 on June 13, Saturday.

Pero bago ito, nauna nang inalok si Christopher na sumali sa WARRIORS pero ilang ulit niya itong tinanggihan. Ayaw kasi siyang payagan ng misis niyang si Gladys Reyes.

ADVERTISING

Makakaharap ni Tope si Chad Peralta sa ring ng WARRIORS. Isang buwan nang nag-eensayo para sa laban niya si Tope. Kahit may taping daw siya ng bago nilang show ng misis niya na si Gladys na George and Cecil, bida sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, naghahanap daw talaga ng paraan si Tope na makapag-ensayo.

Incidentally, magsisimula na ngayong Linggo ng gabi, June 14, ang George and Cecil nina Juday at Ryan.

Hindi naman daw bawal ang makipag-sex ‘pag may laban ang isang boksingero.

ADVERTISING

“Actually, tinanong ko ‘yan doon sa show ni DJ Mo, sa doctor niyang guest. Hindi naman daw bawal makipag-sex kapag may laban. Kaya lang kasi ‘yung gigil mo nawawala. Kasi after sex, ‘yung sensation mo you have a happy feeling,” pahayag ni Tope.

Inamin naman ni Tope na isang buwan na siyang walang sex. Nag-away na raw sila ni Gladys the other night dahil sa electric fan. Sobrang naiinitan daw kasi ang pakiramdam niya kahit naka-aircon ang kuwarto nila ni Gladys.

ANG DATING HUNK and sexy actor na si Carlos Morales ang isa sa hosts ng WARRIROS. Nilinaw ni Carlos ang pagkaka-link niya noon sa controversial ngayon na si Dra. Vicki Belo.

“Hindi kami nakaroon ng relasyon ni Dra. Belo. Dati kasi kay Dondon (Monteverde) ako. Tapos siya (Belo) ang official na nag-alaaga sa facial, pagpapaganda, ganu’n. Lagi ako roon kasi before, may problem ako about my Dad. Hinahanap ko siya (Dad). Si Dra. Vicki ang  tumulong sa akin. So, grateful naman na natulungan ako ni Dra. Belo,” kuwento ni Carlos.

Sigurado si Carlos na wala silang sex video ni Dra. Vicki kahit nagpupunta siya sa magarang bahay nito sa isang posh subdivision sa Makati. Pero nali-link naman ngayon si Carlos sa producer ng WARRIORS at digital film producer na si Maricar Santos. Bigla namang ibinato ni Carlos ang tsismis sa kanya kay Maricar sa young actor na si Joross Gamboa na isa sa mga artisa sa digital movie na ginawa ng lady producer.

SAMANTALA, ISANG SOURCE ang nagsabi sa amin na hindi totoong nagtungo na sa ibang bansa ang isa sa mga babaeng nasa sex video ni Hayden Kho na si Maricar Reyes. Nandito pa rin siya sa Pilipinas at hindi makalabas ng bahay nila dahil sa kahihiyang inabot niya. Hindi rin muna nagti-taping ngayon si Maricar ng shows niya sa ABS-CBN, and we heard kapag nakalalabas siya, she’s escorted daw with two bodyguards.

Julie Ka!
by Julie Bonifacio

ADVERTISING