Maricar Reyes at Richard Poon, nag-away sa toothpaste

ADVERTISING

Maricar Reyes at Richard Poon, nag-away sa toothpaste

Maricar-Reyes-Richard-PoonNAKAPAG-MOVE ON na talaga si Maricar Reyes sa nangyaring iskandalong kinasangkutan nila ni Hayden Kho. Lalong nabura na sa isip ni Maricar ang madilim na pangyayari sa kanyang buhay nang pakasalan siya ni Richard Poon.

Masaya si Maricar sa piling ni Richard, pero ayaw pa raw niyang mabuntis dahil busy pa siya sa pag-arte. Pero if ever na mabuntis, hindi na siya tatanggap ng project.

“Ayokong magtaping ng buntis. So, saka na lang muna… I want to focus on being a mom, siyempre,” say ni Maricar na lalong sumeksi at gumanda.

Aminado si Maricar na may pagkakataon din daw na nagkakasagutan sila at nag-aaway pero kaagad din nila naaayos.

ADVERTISING

“Ano talaga siya, he confront every small things. ‘Yun ang natutunan ko sa kanya. Actually, ano ako eh. If there’s a problem I ran for it or mananahimik na lang ako. Pero with him, I’ve learned even the small things you have to say, confront it, ayusin ninyo. So, nag-aaway kami. Pero on the same day, ayaw naman naming matulog na hindi kami nagkakaayos,” say pa ni Maricar.

Take note, ang madalas daw nilang pagtalunan ay ang paggamit ng toothpaste. “Magkaiba pala kami sa toothpaste. Siya ‘yung sa top kapag pumipisil, ako naman sa bottom. It took me a while for me to realize. Kasi when you live alone. You don’t realize these things, eh.

“When I brush my teeth in the morning, bakit ganoon? Bakit ganito ‘yung toothpaste? Ah, oo nga pala siya? He’s different from me in the way. So, there are many little things like that. Pero as much as we argue, nagkakabati rin kami,” pagtatapos ni Maricar.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING