Maricar Reyes, puntirya ng singer by Pilar Mateo

ADVERTISING

Maricar Reyes, puntirya ng singer by Pilar MateoNAGING EXCUSE NA lang ng crooner na si Richard Poon na sinusuportahan niya ang ‘kapatid’ niya sa Cornerstone Management ni Ericson Raymundo na si Sam Milby nang manood ng premiere night sa Trinoma ng And I Love You So.

Pero, hindi maalis ang titig ni Richard sa crush niyang si Maricar Reyes na kasama sa pelikula at hinangaan naman ng mga manonood sa supporting role man niya, eh, tumatak naman sa mga nakasaksi.

ADVERTISING

Sabi nga namin, kung tutuluyan ni Richard na ligawan ang dalaga – bagay na bagay sila. Sobrang cheesy ba?

NAGTATAKA NAMAN ANG mga nag-aabang sa And I Love You So kung bakit sa Trinoma ito nag-premiere at hindi sa kinagawiang Megamall.

Somebody hinted to us na mukhang merong ilang kaguluhang sino-solve ngayon sa pagitan ng Star Cinema at SM Theaters. It has something to do raw with commissions and computation issues. Actually, matagal na nga raw ang nasabing isyu at diumano, sinasabi ng mga taga-SM na nangangasiwa sa pagpapalabas ng mga pelikula ng Star Cinema na uupuan nila ito at pag-uusapan pero magpasa-hanggang ngayon ay wala pa ring nangyayari.

ADVERTISING

Kaya nga, at the last minute,nalipat sa Trinoma ang nasabing premiere at sa ibang mga teatro na aabot pa rin naman sa mahigit isang daan mapapanood ang triyanggulo nina Bea Alonzo, Derek Ramsay at Sam Milby.

Aminin naman natin na sa top ten top-grossing films na ipinalalabas sa mga sinehan sa SM,laging kabilang ang mga proyekto ng Star Cinema.

Ngayon, ang tanong, eh, sino ba ang dapat na managot sa sinasabing mga isyu? At nakarating na ba ito sa kaalaman ng head honcho ng pinakamalaganap na mall sa buong bansa pati na abroad?

KUNG WISH PA NG SNN (Showbiz News Ngayon) at The Buzz host na si Kris Aquino na masundan pa si Baby James, para naman sa maybahay ng Pambansang Kamaong si Manny Pacquiao na si Jinkee, tigil na ang kanyang pagdadalantao!

Ito ang inamin ni Jinkee nang ilunsad siya ng Belo Medical Group bilang pinakabago nilang endorser dahil limang taon na pala siyang kliyente nito.

At matapos nga niyang magpa-Smart Lipo after na isilang ang kanilang third baby,sinubukan naman niya ang Belo Diet injections,ang pagpapapayat na hindi kinakailangang sumailalim sa surgery.

Hindi lang daw natin alam na kung nababansagan siyang selosa sa kanyang mister na si Manny,eh, mas seloso raw ang Pambansang Kamao pero hindi lang nito ipinahahalata.

Dahil hindi naman niya sinabi kay Manny ang mga plano niya sa pagpapapayat,  ginulat niya ito noong huling laban ni Manny sa Amerika dahil nang pumunta siya roon na slim na at kung ilang pounds na ang nawala sa kanya.

Natanong nga si Jinkee kung susubukin ba ng Belo na gawin na ring endorser ang kanyang kakambal na si Janet, sinabi naman ni Dra. Victoria Belo na may posibilidad.

Eh, kung halimbawa naman daw ba na kailanganin ng make-over ng nag-a-artista na ngayong si Mommy Dionesia, dadalhin din daw ba ito ni Jinkee kay Dra. Belo?

Natawa muna na parang nahihiya ang Jinkee. At sabi naman nito, eh, oo,facials daw o kaya, eh, ipapa-botox niya ang ina ni Manny.

Kung mag-a-artista rin si Jinkee, eh, hindi pa raw niya masabi dahil ang focus naman daw talaga niya eh, nasa pag-aalaga ng kanyang mister at mga anak.

Dahil pang-knock-out nga na katawan ang nais ipalabas ng Belo,nakuha nila ng libre na sumama para mailagay sa billboards nila ang Pambansang Kamao, ha?

Siyempre,makatatanggi ba si Manny ‘pag ginusto ni misis? O, tiklop-tuhod siya?!

The Pillar
by Pilar Mateo

ADVERTISING