Maricar Reyes, negosyo lang?!

ADVERTISING

Maricar Reyes, negosyo lang?!KUNG GAANO KABUKAS ang bibig ni Katrina Halili sa pagkundena kay Dr. Hayden Kho dahil sa ginawa nitong patagong pagre-record ng kanilang dapat sana’y pribadong pag-uulayaw sa kaligayahan, ganu’n naman kasikip ang bibig ni Maricar Reyes sa hindi pagbibigay ng anumang pahayag tungkol sa eskandalo.

Maganda raw ang ginawa ni Maricar, sabi ng iba. Ang dahilan kung bakit hindi na gaanong nakaladkad ang kanyang pangalan tungkol sa mga sex videos nila ng doktor na pinatatanggalan ngayon ng lisensiya ni Katrina.

ADVERTISING

Sa aming opinyon, maganda ang ginawa ni Katrina. Kahit kailan, hindi maituturing na krimen ang pagtatanggol ng isang babae sa kanyang kapurihan. Dapat lang namang maparusahan ang bastos na doktor na nagsamantala sa kanyang kahinaan bilang babae.

Pero hindi solido ang pagsang-ayon namin sa hindi pagsasalita ni Maricar Reyes. Bilang isang babaeng nabuyangyang ang katawan at kaluluwa  sa publiko, ipinaglaban din sana niya ang kanyang karapatan bilang babae. Pero naiintindihan namin kung bakit hindi na ‘yun ginawa ni Maricar.

Napanood namin ang lahat ng sex videos nila ni Dr. Hayden. Paano naman lalabas para magreklamo ang dalagang ito, samantalang siya ang ipinakitang mabangis na sundalong umaatake sa mga sex videos na ‘yun?

ADVERTISING

Napakahirap ilarawan ang mga nakita naming aksiyon ni Maricar sa mga sex videos sa kolokyal na pananalita. Bastos na lalabas ang panulat kapag ganu’n ang aming ginawa. Kaya gusto na lang namin siyang ihalintulad sa isang magaling na hinete sa isang tamad na kabayo.

Napakagaling niyang hinete, todo ang paglatigo niya sa kabayo sa pamamagitan ng kanyang mga pag-ulos. Bilib kami sa enerhiya ng babaeng ito dahil parang hindi siya dinadalaw ng pagod sa kanyang mga ginagawa sa ibabaw ng entablado ng doktor.

Sa madaling salita, paano naman lalantad para magreklamo si Maricar Reyes, samantalang sa mga sex videos na kalat na kalat na ngayon sa merkado, siya pa ang lumilitaw na napakasidhi sa pag-akay sa langit-langitan ng pisikal na kaligayahan?

Natural, may mga utak nang nagdesisyon sa kanyang pananahimik. Naisip na nila agad na puro pagtuligsa lang ang aabutin ni Maricar kung sakali, dahil ipinakita siya sa mga sex videos na pagkataas-taas ng libido ng init ng katawan sa kanilang pagniniig ng doktor.

Bakit, kung sakali bang ginawa rin ni Maricar ang ginawang pagrereklamo ni Katrina, hindi siya pagtatawanan ng ating mga kababayan? Ano’ng sasabihin ng publiko sa kanya?

“Rerekla-reklamo ka, samantalang ikaw nga ang pagkainit-init sa lovemaking n’yo? Ikaw pang babae ang umaatake, ikaw pa ang gumaganap sa papel dapat ng lalaki?

“Ano’ng gusto mong palabasin, na pinilit ka lang, samantalang ikaw nga itong sobrang sidhi at aktibo sa kama at sa sofa? Tantanan mo nga kami!” Ganu’n ang kalalabasan ng senaryo.

MARAMING PROYEKTO NGAYON si Maricar Reyes sa ABS-CBN. Maganda ‘yun, sa halip na magmukmok siya sa isang sulok sa pagsisisi kung bakit niya pinatulan ang doktor. Na mas mabuting gamitin niya sa positibong paraan ang nakakahiyang senaryong kinapapalooban niya ngayon.

Totoo ring maganda ang suportang ibinibigay sa kanya ng network, marami siyang trabaho ngayon na senyal ng pagtitiwala sa kabila ng eskandalo, pero sa isang banda ay may itatanong ka rin.

Bakit ngayon lang? Bakit hindi pa noon? Kaya ang opinyon namin, negosyo kesa sa pagmamalasakit ang namamagitan ngayon sa istasyon at kay Maricar Reyes.

Kinailangan pang masangkot siya sa isang matinding eskandalo para mapansin siya ng network. Kinailangan pa munang damahin ng istasyon ang paghahanap ng publiko kay Maricar lalo na ng mga kalalakihang may halong pagnanasa, bago siya binigyan ng programang bida siya at hindi basta extra lang.

Masaktan na ang masasaktan pero ‘yun ang totoo.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

ADVERTISING