Maricar Reyes, binabalikan ni Hayden Kho?! – Gorgy’s Park

Maricar Reyes, binabalikan ni Hayden Kho?! – Gorgy’s ParkSI CRISTINE REYES ang isa sa mga dahilan kung bakit naudlot ang panliligaw ni Dennis Trillo kay Heart Evangelista.

Hindi pa rin naman handa si Heart na magpaligaw dahil sa nakaraan niyang relasyon at tingin nito, ganu’n din si Dennis dahil nga kay Cristine.

Kahit sinasabi ni Dennis na willing siyang maghintay kung ready na si Heart, mukhang sa iba naman nababaling ang atenshiyon ng dalaga.

Inamin ni Heart na nakikipag-date siya ngayon sa una niyang boyfriend na isang pulitiko na balak tumakbong vice-mayor ng Isabela.

Wala naman daw silang pinag-uusapang magbabalikan, pero totoong close sila uli ngayon at nag-i-enjoy lang sila na magkasama kapag lumalabas sila.

Sa presscon nito para sa Mano Po 6, suot ni Heart ang isang singsing na ang tawag niya ay Laremar stone.

“This Laremar stone is for you to always be feeling happy and content with your life. It’s supposed to find your soulmate and forget any kind of heartache. Parang ganu’n,” paliwanag ni Heart habang ipinapakita nito ang singsing na suot niya.

Inamin din nitong mas close siya sa pulitikong ito kesa kay Dennis o kahit sa dati niyang karelasyon, gaya ni Jericho Rosales.

“Kasi first boyfriend ko siya eh, so we go a long way,” patuloy nito.

Hindi pa raw niya masasabi kung gusto nitong pulitiko na makipagbalikan sa kanya, basta nag-i-enjoy lang daw muna silang dalawa at kilalang-kilala raw siya ng lalaking ito kaya mas alam niya kung paano dumiskarte para masungkit muli ang puso ni Heart, kung may balak nga siya.

So far, happy na raw muna si Heart sa takbo ng career niya. Excited siya sa pelikula niyang Mano Po 6 dahil kasama niya rito si Sharon Cuneta at masaya na rin siya sa magandang rating ng Full House nila ni Richard Gutierrez.

HINDI SUMIPOT SI Dra. Vicki Belo sa pa-Christmas party niya sa mga malalapit na kaibigan sa movie press nu’ng kamakalawa lang dahil obvious ngang umiiwas na itong itanong sa kanya ang tungkol sa nangyari ngayon kay Hayden Kho.

Ang anak nitong si Cristalle Henares ang humarap sa press pero tumanggi naman itong magpa-interview dahil wala raw siyang alam sa mga nangyari.

Ayaw nang sumali ni Dra. sa isyung ‘yun kaya umiiwas na lang siya para huwag nang lumala pa.

Pero consistent pa rin ang kampo ni Hayden sa statement nilang hindi nagtangkang magpakamatay si Hayden kundi talagang nagkasakit ito kaya isinugod ito sa hospital.

Naglabas pa sila ng litrato na kuha nu’ng nakaraang Biyernes nang nasa hospital pa siya. Gusto lang daw nilang ipakitang wala itong galos sa mukha kundi talagang nagkasakit lang siya.

Pinasinungalingan ng abugado ni Hayden na si Atty. Lorna Kapunan ang mga sinabi ng witness na nakapanayam ng Showbiz Central.

Tama na raw na nagbigay sila ng statement at tapos na ‘yun dahil ayaw na raw talagang magsalita ni Hayden dahil wala naman daw siya sa showbiz.

Pero may nakarating na kuwento sa aming nagti-text na naman daw si Hayden kay Maricar Reyes. Hindi lang daw ito pinapansin ng huli.

Ewan ko lang kung sasagutin ito ni Hayden at pati na rin ni Maricar na hanggang ngayon ay tahimik pa rin at hindi pa rin nagsasalita tungkol sa eskandalong ‘yun.

By Gorgy’s Park