Maricar Reyes, bagong ‘bitch’ ng Philippine TV

ADVERTISING

Maricar Reyes, bagong ‘bitch’ ng Philippine TV

Maricar-ReyesAMININ MAN ni Maricar Reyes o hindi, malaki ang naitulong sa kanya ng teleseryeng Sana Bukas Pa Ang Kahapon na magtatapos na mamayang gabi.

Dahil sa serye, mas napansin ang aktres dahil sa pagiging “super maldita” niya kay Bea, lalo na ang evil motives and plans niya sa aktres.

Actually, si Maricar ang bagong “bitch” ng Philippine Television with her character in SBPAK. Parang siya nga ang pakiwari ko ang papalit sa puwesto ni Cherie Gil bilang kilalang kontrabida ng mga mababait na mga bida.

Komento ng isang fan ni Bea sa social media about Maricar sa serye, “Gusto ko siyang talupan nang buhay at lalagyan ko ng kalamansi ang mga sugat niya bago siya mamatay. Ang sama-sama ng ugali niya,” post ng galit na Bea fan.

ADVERTISING

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING