Marian Rivera, walang paki kung mabuntis nang mabuntis

ADVERTISING

Marian Rivera, walang paki kung mabuntis nang mabuntis

Marian-RiveraISANG DANCE show ang susunod na gagawin ni Marian Rivera pagkatapos ng Carmela.

Hanggang May 23 na lang ang Carmela at ang sabi nga ni Marian, gusto raw niyang tapusin muna ang Carmela bago siya isabak sa bagong show.

Pagkatapos ng taping, humihingi lang daw siya ng ilang araw na pahinga at sasalang na siya sa dance show niya.

Excited si Marian dito dahil iba na naman ito, at siyempre magpapakitang-gilas na naman siya sa pagsasayaw. Isa ‘yan sa talent ni Marian, kaya nga napili siyang Marimar dahil sa galing din niya sa pagsasayaw.

ADVERTISING

Ang alam ko, isa sa kasama ni Marian dito si Julie Anne San Jose.

Ipon nang ipong ngayon si Marian dahil siyempre, ilang taon na lang magsi-settle down na sila ni Dingdong, at kahit gusto man ni Marian na ituloy pa rin ang trabaho, wala siyang magagawa kailangan niyang tumigil pag mabutnis siya.

Nu’ng tinanong pa naman si Dingdong kung ilang anak ang gusto niya, marami raw ang gusto nito. Okay lang kay Marian na maraming anak. Wala raw siyang pakialam kung mabuntis siya nang mabuntis, kung ‘yun ang gusto ni Dingdong.

Nakahanda naman siyang maging nanay kung sakali. Feeling ko paninindigan talaga ni Marian ang pagiging asawa at nanay kapag mag-asawa na sila ni Dingdong.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING