Marian Rivera, umatras sa pagho-host; hanggang acting at sayaw lang kasi ang alam

Marian Rivera, umatras sa pagho-host; hanggang acting at sayaw lang kasi ang alam

Marian-RiveraAGAD NA binura ni Ai-Ai delas Alas sa kanyang Instagram account ang kanyang pasasalamat sa Itaas dahil madaragdagan ang kanyang regular show sa GMA.

Balita kasing aside from her nightly soap ay magkakaroon sila ng Sunday talk show ni Regine Velasquez at ni Mrs. Dantes, or so the comedienne thought. Hindi na pala isang talk show ang niluluto ng istasyon kundi variety, na inatrasan naman daw ni Mrs. Dantes, which leaves Ai-Ai and Regine as the still-untitled program hosts.

Ang suwerte namang matatawag ni Mrs. Dantes, dahil mga pinakamagaan na nga lang na trabaho ang ibinibigay sa kanya ng network, yet she has the right to decline the offer using her pregnancy as a convenient excuse.

Kunsabagay, hosting a talk show is definitely not right up her alley. Hanggang pag-arte at pagsasayaw lang ang range ng kanyang talent.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III