Marian Rivera, umatras sa bagong serye

Marian Rivera, umatras sa bagong serye

Marian-RiveraNAGLABAS NA ng statement ang GMA 7 na umatras na raw si Marian Rivera sa bagong drama series nilang The Rich Man’s Daughter.

Mahirap nga namang pilitin kung medyo hirap si Marian sa paglilihi niya. Kaya okay na rin ‘yung umatras siya, ‘di ba?

Ngayon ang usap-usapan, sino ang ipapalit sa kanya?

Ang naririnig kong mukhang mapipili ay si Rhian Ramos.

May mga nagsasabing si Lovi Poe, merong si Heart Evangelista, at si Carla Abellana, pero may mga drama series sila, eh.

Sina Heart at Lovi sa The Beautiful Strangers, at si Carla naman ay kasisimula lang sa Pari Koy.

Pero sa totoo lang, sabi ng mga bakla, mas bagay talaga sa role na ipapalit kay Marian ay si Heart.

Mukha siyang galing sa mayamang angkan ng isang Chinese family, kaya puwede talaga siya.

Binibiro nga nila si Heart kung tatanggapin ba niya ang role na ‘yun kung siya ang pipiliin. Umiling-iling lang si Heart. May gagawin naman daw siyang drama series, at happy na raw siya ro’n.

Siyempre, magri-react ang mga fans ng dalawang Kapuso actress natin, ‘di ba? Mabuti ngang si Rhian na lang ang piliin nila.

Abangan na lang natin ang susunod na announcement ng GMA 7.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis