Marian Rivera, umariba ang kaartehan

Marian Rivera, umariba ang kaartehan

Marian-RiveraANG DAMING naartehan kay Marian Rivera nang mabalitang halos mapaiyak daw ito nang makita ang kanyang wedding gown na gawa ni Michael Cinco.

When news of it came out on social media, Marian’s detractors had a feast day in bashing her. Kasi naman, para ‘yun lang daw ay nag-cry na ang dalaga. Ang feeling nila ay hindi dapat maging emotional si Marian dahil simpleng bagay lang naman daw ’yon. Kaartehan para sa marami ang kanyang naging reaction when she finally saw her gown. Siguro dapat maiyak si Marian kung hindi matuloy ang kasal nila ni Dingdong, ‘no.

Wala yatang kilalang ibang artista ang GMA kundi sina Marian at Dingdong. Bawat kibot, bawat galaw nila ay headline talaga sa news nila.

Ang dami naming nababasa sa social media na reklamo ng mga talents ng Siyete. May sari-saring kuwento ang mga talents, ang feeling nila ay hindi sila protektado ng network. Merong isang researcher na mahigit isang dekada nang nagseserbisyo sa kanila pero hindi pa regular. Ang dami ring complaints ng iba pang talents at talagang nakaaawang pakinggang at basahin ang kanilang mga story.

Negang-nega tuloy ang dating ng GMA-7 ngayon. Ewan kung paano pa nila ibabangon ang image nila gayong mismong talents nila ang nagsasalita laban sa kanila.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas