Marian Rivera, tiniyak na walang intriga sa bagong serye

ADVERTISING

Marian Rivera, tiniyak na walang intriga sa bagong serye

Marian Rivera, tiniyak na walang intriga sa bagong seryeNGAYONG ARAW na magsisimula ang bagong pang-GMA Telebabad ni Marian Rivera na Temptation of Wife na mapapanood na mamayang gabi.

Malaki ang expectations kay Marian dahil maganda ang feedback sa Amaya, at okay na rin naman sa My Beloved. Pero ito raw, ibang-iba ang drama sa kanya lalo na api-apihan siya rito nang husto.

Dito natitiyak ni Marian na walang intrigang mangyayari dahil close friends sila ni Glaiza de Castro na kontrabida niya rito.

Naging close sila sa Amaya, kaya hanggang ngayon nga ay Ba-i pa rin ang tawag ni Marian kaya Glaiza na karakter niya sa Amaya.

ADVERTISING

Nang mag-guest si Marian sa Startalk nu’ng Sabado, nakikita ko na sa kanya na ang saya-saya niya na at hindi na siya nadadala sa mga intriga.

Kuntento na ito sa relasyon nila ni Dingdong Dantes kahit may mga sumisingit na intriga.

Kaya nang tinanong ito ng mga reporter kung kasalan na ba next year, wala pa raw ang sagot niya. Pero nakikita naming may plano na sila.

Kahit anong deny nila tungkol sa engagement, feeling ko talaga, engaged na sila, pero pinaghahandaan na ang kasalan at ang future nilang dalawa.

Kaya todo ipon silang dalawa, lalo na si Marian na araw-araw mapapanood na siya sa GMA 7.

Gabi-gabi siya sa Temptation of Wife at tuwing Sabado at Linggo naman ay sa Extra Challenge.

Sisimulan na rin yata ang pelikula nila ni Richard Gutierrez na My Lady Boss.

 

MARAMI ANG nakapansin sa dedmahan ngayon nina Barbie Forteza at Bea Binene.

Akala ko guest namin si Barbie sa Startalk nu’ng Sabado para i-promote ang Paroa nila ni Derrick Monasterio, hindi pa pala.

Gusto ko sanang itanong kung totoong matindi na raw ang away nila na hindi mo nga raw sila mapagtabi sa Party Pilipinas.

May mga ilang numbers daw na kailangan nilang mapagtabi, pero halatang meron talagang gap dahil hindi sila nagbabatian at ang talas daw nang tingin ni Bea kay Barbie.

Ang tingin ng ibang nag-obserba sa kanila, may matinding pinag-awayan na maaaring kasalanan ni Barbie.

Ewan ko lang, ha? Kasi wala namang may nagsasalita sa kanilang dalawa. Kalkalin ko nga ‘yan!

 

TINUPAD NAMAN pala ni Aljur Abrenica ang pangako niya sa kapatid niyang si Vin Abrenica na dadalo siya sa awards night ng Artista Academy sa Araneta Coliseum nu’ng nakaraang Sabado.

Masuwerte pa dahil panalo si Vin kasama ang kamag-anak ni Kris Aquino na si Sophie Albert.

Sila naman daw talaga ang deserving sa award, kaya walang nagkuwestiyong sa pagkapanalo nila.

Kaya lang tiyak na maikukumpara na sina Vin at Aljur kung sino ang mas magaling at kung sino na ang mas sikat.

Meron pa silang isyung sasagutin tungkol sa problema ng kanilang magulang na nagkaka-labuan nga raw.

Sana mapasikat din ng TV 5 si Vin para bongga ang mga Abrenica, ‘di ba?

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING