Marian Rivera, tied upside-down for new show!

Marian Rivera, tied upside-down for new show!Marian Rivera, tied upside-down for new show!NAGBASA KAMI NG mga diyaryo kahapon. Kitam, tama kami. Ang laki nga ng in-improve ng hitsura ni Diether Ocampo. Ang ng kanyang iginandang lalaki.

Simple lang ang get up ni Diet. Nakapolo na pinatungan ng blazer at naka-tuck-in ang kanyang damit, kaya ‘yung kurba ng kanyang katawan mararamdaman mo. (Oo, me ganu’ng factor, hehehe!)

Pero ang hindi niya kinaya, nu’ng press ng Only You nila nia Angel Locsin, ay nu’ng tanungin namin siya kung sa aling prutas niya maihahalintulad ang kanyang sarili: sa sineguwelas o sa santol?

Nu’ng una ay parang na-puzzle si Diet. “Ha? Baket? Ano ‘yon? Para saan ‘yon?” Nagugulumihanan siya. Actually, baka kasi magkamali siya ng sagot, kaya think to death muna siya.

“Dito malalaman ang tunay na ugali ng isang tao,” sabi pa namin sa kanya para magkaroon siya ng idea kung alin ang dapat niyang piliin.

“O, sige… santol!” Tawanan ang mga reporter, lalo na ang mga bading, kaya lalong “nawala sa sarili” si Diet.

“Pakihawi naman ang blazer mo,” sabi namin sa kanya sa mic. At doon nagka-idea si Diet kung ano ang tinutukoy namin.

“Actually, kitang-kita nga namin na santol ka, Diet!”

Hahaha! Na-conscious ang aming kumpare (inaanak niya ang aming second daughter na si Godhie), kaya biglang dumekuwatro at pilit niyang tinatakpan ng blazer ang kanyang harapan.

In fairness, may nakapagsabi na sa amin, maganda raw ang “tubo” ng “santol” ni Diet. Hahaha!

HINDI NAMIN ALAM kumbakit kailangang ipapiktoryal si Marian Rivera nang nakabitin. Parang “forcing through” ang dating. Mas type namin ang kanyang pananahimik mula nang maintriga sila ni karylle at nu’ng isang fan na nakaengkuwentro niya.

Kaysa dito na ititiwarik siya para i-press release na ‘yun ang kaabang-abang sa Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang.

Well, kung ang pagbitin nang patiwarik dito kay marina ay isang “career move” eh sana, hindi makawala ‘yon ng “kinang” sa kanyang “bituin.”

Paano ‘pag may nagalit kay Marian ulit? Baka may magdayalog ng, “Dapat sa babaeng ‘yan, ibitin talaga nang patiwarik!”

Hindi maganda, di ba?

“COOKING SHOW” BA ‘tong Only You? ‘Yan ang tanong ng ilang reporter, dahil bago nagsimula ang presscon, nag-cokking nang bonggang-bongga sina Angel at Diet.

Pero dito lang dumadaloy ang kuwento ng Only You. Kasi, sa naturang Koreanovela ay may cooking-cooking factor. At ‘yun ang iniutos ng ng may-ari ng rights na ‘wag aalisin ‘yung plot ng story, pero puwedeng ihalaw sa kultura ng mga Pinoy, kaya abangan ang love triangle na nina Sam Milby, Diet at Angel sa pagtatapos ng I Love Betty La Fea, na in fairness, mataas ang rating.
Kaya dapat ma-challenge nang bonggang-bongga ang Only You.

‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.

Oh My G!
by Ogie Diaz