Marian Rivera, tapos na ang maliligayang araw

Marian Rivera, tapos na ang maliligayang araw

Marian Rivera
Marian Rivera

How true na disappointed ang production staff ng morning show ni Mrs. Dantes dahil oo nga’t nag-rate ang pilot episode nito, but the episodes thereafter ay kinakabog na ito ng katapat na pelikula sa kabilang channel?

“At ‘eto pa ang ikatutuwa mo,” pagbibida ng nagmamaasim na kausap namin sa phone (ikatutuwa? Sorry, but we don’t gloat in other people’s misfortune!), “mula nang bumalik siya sa Sunday PinaSaya, bumaba rin ang ratings ng show!”

Oh, well, pana-panahon lang ‘yan. Baka naman her time is up, kaya huwag nang ipagpilitan that she’s still at the peak of her career.

Isa itong malinaw na tapik sa kanyang balikat in jolting her to realize na totoo ang kapaniwalaang, “what goes around comes around.”

 

IS JANNO Gibbs as Mayor Groggy Duterte in “Happinas Happy Hour” out to give Jose Manalo as Rodney Juterte a run for his money?

Sa ikatlong episode mamayang alas-nuwebe ng gabi ng bagong comedy variety show ng TV5 ay may pa-presscon si Mayor Groggy in the segment ‘OJ Hahalalan!’ Yes, the election brouhaha never stops lalo pa’t in yet another segment ay makahaharap ni Duterte ang kanyang numero unong tagasuporta na si Mocha Uson.

Bitbit din ni Mocha ang kanyang grupong Mocha Girls as they join Janno and Ogie Alcasid in ‘Maboteng Usapan’, kasama ang guest hunk na si Will Dasovic, Mark Neumann, Gelli de Belen, at Tuesday Vargas in an object-passing game sa pamamagitan ng mga labi.

What’s more, may kabugan din among the representatives  from four countries in the first ever World Sexy Championship. Sino kaya kina Maria Ozawa (Ms. Japan), Jinri Park (Ms. Korea), Margo Midwinter (Ms. UK) at Mocha (Ms. Philippines) ang winner?

Kung bitin pa kayo, abangan ang Arabian Nights sexy dance number ng mga hitad, and flanking them is the feeling diva na si Kim Idol!

 

MUKHANG MAY aabangang sequel sa episode ng “Ismol Family” this Sunday. Last week, sa kagustuhan ni PJ na mag-alaga ng hayop ay isang pekeng gorilya na nakita niya ang kanyang inalagaang parang pet.

Umeksena naman si Lotlot and friends na isang seksing babaeng sobrang bitter sa paghihiwalay nila ng ex-BF niya na si Lance, na ikinaselos ni Mama A. Ang ending: nagkaguloang lahat nang malaman nila na ang alagang gorilya ni PJ at ang ex-bf ni Lotlot na isang trying hard na maging artista ay iisa.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III