Marian Rivera, susunod kay Ogie Alcasid sa TV5?

ADVERTISING

Marian Rivera, susunod kay Ogie Alcasid sa TV5?

Marian Rivera, susunod kay Ogie Alcasid sa TV5?KUMPIRMADO NA lilipat na si Ogie Alcasid sa TV5, dahil last Friday ay maayos itong nagpaalam sa mga big boss ng GMA-7 at maging ang mga kasamahang artista sa Kapuso ay kanyang kinausap para magpaalam.

Sa paglipat ni Ogie sa Kapatid Network, dinagsa ito ng bashers sa Twitter na hindi nagustuhan ng kanyang maybahay na si Regine Velasquez. Mukhang pera raw kasi ang husband at malalaos ito kapag naging isang Kapatid?

Anyway, eversince naman nang pumutok ang isyung paglipat ni Ogie sa Marian Rivera, susunod kay Ogie Alcasid sa TV5?TV5, hindi naman ito itinanggi or kinumpirma ng singer/composer/comedian.

Until mag-expires ang kontrata nito sa GMA-7, umaasa pa ring magkakaayos sa mga detalye ng magiging kasunduan.

ADVERTISING

Unfortunately, hindi nag-push thru ang negosasyon sa Kapuso at ang Kapatid Network ang nagwagi.

Hindi pa sigurado kung kailan magsisimula ang show ni Ogie sa TV5 dahil tatapusin pa raw muna nito ang nalalapit niyang silver anniversary concert.

Samantalang maugong naman ang balitang si Marian Rivera ang tinutukoy na big star ng primetime sa isang network na lilipat sa TV5?

Isang balita kasi ang lumabas na sinasabing dalawang singer at isang primetime actress ang lilipat sa Kapatid Network kapag nag-assume na ng kanyang office si Ms. Wilma Galvante na dating entertainment head ng GMA-7?

Hindi naman nagbigay ng kongkretong sagot si Marian tungkol sa isyu, dahil wala pa raw siyang alam. Pero nagpahayag naman ito na mahal niya ang GMA-7 at hindi pa raw niya iniisip na lumipat ng network.

Matatandaang halos ganito rin ang naging pahayag ni Ogie noon hindi pa nag-e-expire ang kontrata nito sa Kapuso Network. At humingi ng paumanhin sa mga press na hindi siya puwedeng magbigay ng detalye kung anuman ang mangyayari sa kanyang showbiz career hangga’t ‘di pa natatapos ang kontrata sa GMA-7.

Magtatapos ang contract ni Marian sa GMA-7 sa August. Ang tanong ay maging ganoon din kaya ang sagot ng actress na mahal niya ang GMA-7, kapag nag-expire na ang contract?

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING