Marian Rivera, sumagot na sa isyu nila ni Heart Evangelista

ADVERTISING

Marian Rivera, sumagot na sa isyu nila ni Heart  Evangelista

Marian-RiveraABANGAN N’YO bukas ang interview ko kay Marian Rivera para sa promo ng dance show niyang Marian.

Nasa Amerika kasi si Marian kaya hindi siya makapag-guest sa Startalk para sa promo nito. Kasi sa June 21 na ito magsisimula pagkatapos ng  Vampire Ang Daddy Ko.

Hindi na nakaatras si Marian nang tinanong ko na ang mga isyung matagal nang pinag-uusapan pero iniiwasan naman niyang sagutin.

Nagtataka kasi ako bakit hindi pa rin maayos-ayos ang gap nila ni Heart Evangelista.

ADVERTISING

Siyempre, kasama ko si Heart sa Startalk kaya siyempre mahirap ‘yung naninimbang ka. Mahal ko si Marian, kasama ko si Heart sa Startalk, kaya mahirap ang ganu’ng may gap sila na kailangang mag-iwasan pa.

Sabi naman ni Marian, ayaw na raw talaga niyang pag-usapan pa ‘yan pero sa huling pagkakataon sinagot din niya ako.

Sabi ng GMA Primetime Queen, “Una sa lahat, ayaw ko pong pag-aksayahan ang mga taong hindi ako mahal.

“Pangalawa, may mga tao talagang hindi ko mapi-please. Mahirap ding mag-judge kung saan sila nagmumula, ang mga isyu na ‘yan.

“Para sa akin, masarap mabuhay, eh. Kapag masaya ang isang tao, lahat makikita na maganda sa kapwa mo.

“Ngayon po, kung hindi maganda ‘yung nakikita mo, parang there’s something wrong. So, para sa akin magpo-focus ako sa mga taong nakikitaan ko na mahal ako at mamahalin ko rin, du’n ako magpo-focus.”

‘Yun lang ang sagot niya sa akin pagdating kay Heart. Kaya ewan ko kung mapag-ayos pa ‘yan sila. Siguro huwag na lang pilitin.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING