Marian Rivera solid pa rin ang partnership sa Beautéderm Home

Leo Bukas

BUO PA RIN ang ang solid at malakas na partnership sa pagitan ng Beautéderm Home ni CEO & President Rhea Anicoche-Tan at ni Marian Rivera-Dantes. Nag-renew  ng kontrata  ang Kapuso primetime queen bilang opisyal na brand ambassador nito on its fourth year.

Marian Rivera solid pa rin ang partnership sa Beautéderm Home
Marian Rivera

Si Marian ang face ng sikat na sikat na Reverie line ng Beautéderm Home na kinabibilangan ng all-natural soy candles, room at linen sprays, at air purifiers.

Ang Reverie ay laro ng salita sa pagitan ng apelyido ni Marian nuong siya ay dalaga pa, ng pangalan ng Beautéderm Predident and CEO na si Rhea Anicoche-Tan, at ang konsepto na gustong maging epekto ng brand sa bawat gagamit nito – ang mag-drift away, managinip, at magrelaks habang nag-eenjoy sa mga kakaiba, matatamis, at beauteful scents of love ng Beautederm Home.

Marian Rivera solid pa rin ang partnership sa Beautéderm Home
Rhea Tan and Marian Rivera

Ang Reverie line of Beautederm Home ay may  scents ng Into The Woods (Bamboo Scent), Smells Like Candy (Cherry Scent), Time To Bloom (Fresh Rose Scent), Something Minty (Eucalyptus Scent) at Rest & Relaxation (Lavender Scent) at pati na rin ang dalawang bagong scents na Matcha To Love at Take Me Away – na lahat ay pawang nilikha mula sa pormulasyon hanggang sa indibidwal na packaging sa very close collaboration kasama si Marian.

Para sa karagdagang impormasyon sa Reverie by Beautederm Home at exciting updates on Marian Rivera-Dantes, sundan ang @beautedermcorporation sa Instagram, i-like ang Beautederm sa Facebook, at mag-subscribe sa Beautéderm TV sa YouTube.