Marian Rivera, sinumpong na naman ng pagkamaldita?! – Lolit Solis

ADVERTISING

Marian Rivera, sinumpong na naman ng pagkamaldita?! - Lolit Solis Marian Rivera, sinumpong na naman ng pagkamaldita?! - Lolit SolisDAHIL NEW YEAR, uso na naman ngayon iyang mga hula-hula na iyan na karamihan naman ay talagang nanghuhula lang.

May nanghulang mabubuntis daw si Marian Rivera na pinagtawanan na lang ng aktres dahil taun-taon na lang kung anik-anik ang mga hinuhula sa kanya pati kay Dingdong Dantes.

ADVERTISING

Nu’ng nakaraang taon, halos karamihan sa mga manghuhula ay hinulaang maghihiwalay raw sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez.

Tapos na ang 2009, wala naman tayong nabalitaang hiwalayan sa dalawa. Mas bumongga pa nga ang relasyon nila at nadagdagan pa ng pagpapakasal nina Michelle Van Eimeren at ang Australyanong boyfriend niyang si Mark Murrow.

Ngayon naman ang hula sa dalawa ay magpapakasal na raw sila.

ADVERTISING

Iyon naman talaga ang matagal na nilang wish pero hindi pa mangyayari dahil wala pang desisyon ang korte sa annulment case nina Ogie at Michelle.

Ang weird ngang tingnan, ‘di ba? Si Michelle, may iba nang asawa sa Australia, pero rito sa Pilipinas, maituturing pa ring mag-asawa sila ni Ogie.

Sabi naman ni Ogie sa Startalk, ‘yun na lang daw ang hinihintay nila at kung sakaling maibaba na ang desisyon at maganda ito para sa kanila, siya na raw mismo ang magtatawag para i-announce kung kailan na ang kanilang kasal. Pero sa ngayon ay wala raw muna silang magagawa kundi maghintay na lang.

Ang importante naman ay wala naman daw nabago sa kanilang pag-iibigan ni Regine at lalo pa nga nilang minahal ang isa’t isa kaya happy na sila sa ganu’n.

Si Regine nga ay hindi na umaasa at ayaw na muna niyang isipin ‘yun dahil madi-depress lang daw siya kung sakaling hindi naman mangyari ‘yun.

Mabuti na raw ‘yung i-enjoy na lang nila kung anong meron sila ni Ogie sa ngayon.

Gaya nu’ng nakaraang Pasko, may ginawa na naman daw na awitin si Ogie at kinanta ito sa kanya. Sobrang na-touch daw siya at naiyak nga raw siya nang kinantahan siya ni Ogie.

Sa Australia rin daw sila nag-Pasko kasama sina Michelle at Mark at ang dalawang anak nina Ogie at Michelle.

Sobrang memorable daw ‘yun para sa kanila ni Ogie kaya okay na raw muna ‘yun at kung puwede huwag na raw munang pag-usapan ‘yung mga kasal-kasal na iyan dahil wala pa itong linaw sa ngayon.

AYAW NANG SAGUTIN ni Marian ‘yung huling isyung lumabas na meron na naman daw itong tinarayan na make-up artist at pinauwi raw ito.

Ewan ko kung totoo ‘yun o hindi dahil ayaw nang sagutin ito ng aktres.

Mahirap pag-usapan iyan at baka may ibang kuwento sa likod ng isyung iyan kaya hintayin na lang natin kung ano ang statement ni Marian kaugnay sa isyung iyan.

Ang latest na narinig ko, inaayos na raw ngayon ni Marian ang pagpunta patungong Madrid para madalaw na nito ang kanyang ama.

Siyempre kasama d’yan si Dingdong kaya hintayin na lang natin kung kailan ito. Pero kung totoong inaayos na nga nila ito, malamang na gagawin nila iyan pagkatapos ng taping ng Darna dahil ang susunod na gagawin nito ay ang Endless Love na pagsasamahan nilang dalawa.

Siyempre, may ilang linggong bakasyon iyan kaya puwede nilang isingit iyan bago sila magtrabaho uli.

Sey naman ni Marian, kapag nandiyan na raw talaga saka niya ‘yan ikukuwento at baka maudlot na naman. Pero isa raw talaga iyan sa gusto niyang gawin ngayong taong ito.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING