Marian Rivera, sinugod si Dingdong Dantes sa taping ng serye nila ni Rhian Ramos

ADVERTISING

Marian Rivera, sinugod si Dingdong Dantes sa taping ng serye nila ni Rhian Ramos

Marian Rivera, sinugod si Dingdong Dantes sa taping ng serye nila ni Rhian RamosBIGLA AT walang kaabug-abog na dumating raw si Marian Rivera sa taping ng bagong serye nina Dingdong Dantes at Rhian Ramos.

ADVERTISING

Natensyon daw si Dingdong sa pagdating ng girlfriend lalo’t nang batiin daw ni Rhian si Marian ay ‘di nito pinansin. Kung hindi pa raw sinabihan ni Dong ang girlfriend na binati siya ng kanyang leading lady sa bagong serye ginagawa sa GMA 7, ang Genesis, saka pa lang daw nag-hello din si Marian.

Dahil sa biglang pagdating ni Marian, na-delay raw ang taping ng serye ng ilang oras.

Niyaya raw ni Dong si Marian sa kotse at doon sila nag-usap. Hindi naman daw makakilos ang production para sabihan si Dong na magsisimula na sila ng taping.

ADVERTISING

Pagkaalis daw ni Marian, saka lang nakapagsimula ng taping ang buong cast, kung saan kukunan ang eksena nina Rhian at Dong.

Ikalawang beses na itong ginawa ni Marian na biglang darating sa set ng taping. Una ay sa Stairway To Heaven, kung saan magka-partner din sina Dong at Rhian.

‘Di nga ba nabalitang pinagselosan ni Marian si Rhian noon? At ngayon ay tila naulit ito sa taping ng Genesis. Dahil sa nangyari, tila nagkaroon ng part 2 ang isyu sa pagitan nina Marian at Rhian nang dahil kay Dingdong.

Ayon pa sa nakarating sa amin, may ilang eksena tuloy na hindi na nakunan magkasama sina Rhian at Dong dahil sa pagkaantala ng oras sa pagdating ni Marian.

Marian Rivera, sinugod si Dingdong Dantes sa taping ng serye nila ni Rhian RamosBase pa sa nakarating sa amin, naabutan daw ni Marian sina Dingdong at Rhian na magkatabi, kung saan may ipinapakita raw si Rhian ng mga photos sa kanyang cellphone kay Dingdong.

Pero nasa set daw sina Dong at Rhian nang mga sandaling ‘yung habang naghihintay sa kukunan nilang eksena.

Walang makapagsabi kung selos ba ang dahilan ng pagdating ni Marian sa set ng serye.

 

PINASINUNGALINGAN NI Ellen Adarna na magbababu na siya sa showbiz. Ngayon pa raw na nabigyan siya ng pagkakataong gumanap sa isang mapaghamong character sa isang indie film, kung saan tinanggihan ni Kris Bernal dahil sa mga daring scene na hindi kayang gawin ng young star.

Sabi ni Ellen, hindi raw niya iiwan ang showbiz lalo’t nag-e-enjoy siya sa Bubble Gang na napapanood every Friday sa GMA 7, kasama ng mga iginagalang niyang comedian at kaibigang actress sa pangunguna nina Michael V, Boy 2 Quizon, Rufa Mae Quinto, atbp.

Ayon pa sa mestisang Cebuana, nagkaayos na sila ng kanyang father at nagtatrabaho siya para sa business ng kanilang pamilya na nagmamay-ari ng mga motel.

“I’ll work for my family again. Marketing. I guess, since we’re building condominiums now, I’m more of a corporate girl. I am the type who wants an 8 to 5 job.

“But I will still continue with my showbiz work. I’m still with Bubble Gang. And kung may ibang project, okey rin na gawin ko.

“Not quiting showbiz. But going back and forth to work for my family part-time. Let me make that clear,” pahayag ni Ellen.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING