Marian Rivera, sikat na sikat sa Vietnam!

ADVERTISING

Marian Rivera, sikat na sikat sa Vietnam!

Marian-Rivera NGAYONG ARAW pala ang dating ni Marian Rivera galing Vietnam, kung saan naimbitahan ito ng dalawang TV station doon na nakabili ng rights ng mga drama series ni Marian sa GMA-7.

Naipalabas pala roon ang Marimar at Dyesebel, at ngayon daw ay ipinalalabas doon ang Temptation of Wife at hit na hit pa rin doon.

Kaya sikat na sikat doon si Marian at ang dami niyang fans ang sumalubong sa kanya sa airport nang dumating ito nu’ng nakaraang Linggo.

Kasama nga ni Marian ang manager niyang si Rams David, at nagti-text si Rams na nagulat daw siya sa sobrang lakas doon ni Marian at superstar nga raw siya du’n.

ADVERTISING

Nakausap ng Startalk staff namin si Marian at tuwang-tuwa nga raw ang Kapuso actress, at hindi makapaniwala dahil hindi lang mga Pinoy ang nagkagulo sa kanya roon kundi mga Vietnamese mismo.

Kaya masayang-masaya si Marian sa mainit na pagtanggap sa kanya roon sa Vietnam.

Alam ko, ngayon ang araw ng balik nila galing Vietnam at ikukuwento ni Marian sa Startalk ang masayang experience niya roon.

May isa pa ngang intrigang tinanggihan daw ni Marian si Tom Rodriguez na maka-partner nito sa bagong drama series na gagawin niya sa GMA-7.

Hindi raw totoo ‘yan sabi ni Marian dahil wala naman daw sinabi sa kanya na kasama niya dapat dito si Tom.

Marian-RiveraAng pagkakaalam daw ni Marian, bagets ang kasama niya at wala raw talaga siyang leading man diyan.

Wala naman daw problema kung si Tom ang makakasama niya dahil magkakilala naman daw sila. Hindi naman daw totoong tumatanggi ito sa mga talents ng dati niyang manager na si Popoy Caritativo.

Ewan ko kung saan nanggaling nga ang mga ganu’ng intriga. Siyempre, hindi naman tatantanan si Marian ng mga ganu’ng intriga.

Hay, naku! Ayaw na ngang pansinin ni Marian ang mga ganu’ng isyu. Mas gusto raw niyang positive na lang, dahil masaya siya ngayon at hit na hit ang beauty niya lalo na sa Vietnam, ‘no!

 

MALAPIT NA palang simulan ni Ryan Agoncillo ang bagong game show na gagawin niya sa GMA-7. Narinig ko na ito nu’n eh, na Picture Picture yata ang title.

Pero hindi pa rin nakapirma si Ryan ng exclusive contract sa GMA-7. Kailan na kaya ang pirmahan? Kasi hindi naman daw papayag ang GMA-7 na program contract lang. Kaya dapat na papirmahin na ng exclusive contract sa Kapuso Network.

 

NAKU! SA Sabado na pala ang birthday ni Pauleen Luna, pero wala raw party. Mas gusto raw niyang mag-share na lang sa mga batang patient na inaalagaan ng Childhaus.

Magpa-party yata siya roon sa Sabado at baka samahan siya ni Vic Sotto. Mas gusto raw niyang tahimik lang at hindi na kailangan ipa-cover sa media.

Ano kaya birthday gift ni Bossing gift sa kanya. Siyempre, hindi naman ikukuwento sa amin ‘yan ni Pauleen.

Ang alam ko, magkakasama silang aalis papuntang Macau para manood ng laban ni Manny Pacquiao.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING