Marian Rivera, si Kylie Padilla naman ang sinupladahan?!

ADVERTISING

Marian Rivera, si Kylie Padilla naman ang sinupladahan?!

Marian Rivera, si Kylie Padilla naman ang sinupladahan?!

THERE SEEMS to be a never-ending tale of kasupladahan of Marian Rivera.

The latest we hear is that inisnab daw niya si Kylie Padilla sa party ni Ynna Asistio. Talaga raw parang wala siyang nakita during the party. Ni mag-Hi! ay hindi niya ginawa para ipakitang all’s well between them.

So, bakit naman magsusuplada si Marian sa anak ni Robin Padilla? What could be her reason?

ADVERTISING

Well, it seem that Marianita is jealous of Kylie. ‘Yan ang sabi ng mga tsismoso’t tsismosa, ha?

Kasi naman, si Kylie ang bagong leading lady ni Dingdong Dantes. Sa na-shelve na Haram dapat unang magkakasama ang dalawa kaya lang hindi ito natuloy.

Pero siniguro naman ng taga-Siyete na tuloy na tuloy ang pagsasama nina Dingdong at Kylie sa soap opera na ipapalit sa Haram.

Na-insecure ba si Marianita kay Kylie?

Well, malamang. Kylie’s much younger than her.

Teka, napansin lang namin, tila lahat yata ng maging leading lady ni Dingdong ay pinagseselosan ni Marianita.

Hindi pa rin ba siya nasanay na ang lahat ay trabaho lang at walang personalan?

Hindi kaya siya aware na si Kylie ay dyowa pa rin ni Aljur Abrenica?

 

WE BELIEVE that there’s more than friendship between Xian Lim and Kim Chiu.

Why? Kasi naman, hindi reregaluhan ng isang lalaki ang isang babae ng mamahaling bagay kung hindi niya ito dyowa, ‘no!

Papa Xian gave Kim a pink Prada bag as a gift. Take note, walang okasyon nang ibigay niya iyon and that means a lot.

Nakita namin ang pink Prada bag na katabi ni Kim habang siya ay nasa sasakyan niya.

To probably return the generosity of Xian ay dalawa ang ibinigay na regalo ni Kim sa binata. Isang pares ng Louis Vuitton shoes at isang bag ang kanyang ibinigay kay Papa Xian.

Grabe kung magregalo ang dalawa, ‘no. At sa lagay niyan ay hindi pa sila magsyota. Paano pa kaya kung magdyowa na sila, eh, ‘di mas mahal pa ang ireregalo nila sa isa’t isa?

Marian Rivera, si Kylie Padilla naman ang sinupladahan?!

ANY WHICH way we look at him ay hindi naman artistahin itong newcomer na si Pancho Magno.

So, bakit siya biglang binigyan ng malaking break ng GMA-7?

Eh, kasi nga, madir niya ang executive sa GMA na in-charge sa drama shows. Ayun, from support ay naging leading man kaagad si Pancho.

No offense meant, ha? Pero at 25 ay mukhang matanda na si Pancho para maging leading man. Hindi rin naman siya kaguwapuhan.

Obviously, the only thing that worked for him is his being the son of a network executive. Kung hindi dahil anak siya ni Redgie Acuna-Magno, assistant vice president for Drama ng GMA Network, ay parang hindi naman magiging artista itong si Pancho.

Teka, nauuso na ba ang nepotism nga-yon sa GMA-7?

Spell delicadeza!
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING