Marian Rivera, showbiz writer ang bagong biktima ng pagiging isnabera

Marian-RiveraISNABERA TALAGA itong si Marian Something. Her latest victim is our amiable kumare Alwin Ignacio whom she snubbed not once but twice.

“Noong unang Linggo ng Sunday PINASAYA, kami ni Ate Julie, nasa dressing room nila ni AIAI. Nakita niyang ini-interview namin si AiAi pero ni hi or hello, hindi nagpabalat bunga si Rivera. Ito ang the height, pumasok si Dingdong sa dressing room. Nakita ako at bumunghalit, “O, Alwin, kamusta ka?” Imposibleng hindi narinig ni Marian na binati ako ni Dong. Kung may good manners at right conduct siya, narinig mong ang isang reporter eh binati ng asawa mo, lalapit ka sa amin, at kung hindi niya kami kilala, mag-e-effort ka na magpakilala. Inisip ko na lang painfully shy siya.

“Eto ang classic, sa 3rd week ng PINASaya, andun kami ulit ni Ate Julie. Papasok kami sa dressing room. Saktong palabas siya, nagkasalubong kami pero as usual, deadma na naman ang hitad, wa niya kami pinansin. Isang Linggo lang ang pagitan pero hindi niya pa rin kami kilala.

“Inisip ko nga noong una na painfully shy kaya di niya kami pinansin kahit pa nga pinansin ako ni Dingdong. Eh may part two pa, OA naman na sa second time namin sa dressing room, hindi niya pa rin maatim na ngitian man lang kami.”

That was our friend’s long aria.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleIñigo Pascual, mas close kay Julia Barretto kaysa kay Sofia Andres
Next article‘Di ma-reach ng fans sa probinsiya
Daniel Padilla, milyones ang TF sa out-of-town shows?

No posts to display