Marian Rivera says Venus Raj is ugly?!

ADVERTISING

 

Marian Rivera says Venus Raj is ugly?!

ADVERTISING

Marian Rivera says Venus Raj is ugly?!BLIND ITEM: TOTOO ba ‘to? Na ‘yung hinahangaan nating isang young actor, dahil maganda na ang rehistro sa screen ay ang husay pang umarte, pero sa kinukunang eksena mismo, hindi gano’n kagaling?

Me gano’n?

“Oo, ‘Day! Si Direk nga, iritang-irita sa kaartehan ng batang ‘yan, eh. Talagang ‘pag eksenang emote, sasabihin niya, sandali lang daw at mag-i-internalize lang siya.

ADVERTISING

“Okay lang ‘yon. Actor’s cue, ‘ika nga. Pero, ‘Day, ‘eto na ang nakakalokah! Ang ibinibigay namang akting, waley din.  Kaya director’s cue na lang.

“Tapos, paputol-putol ang eksena na lang, kasi, mahirap din siyang magmemorya ng dayalog, eh. Mahal lang talaga ng kamera ‘yung mukha niya.

“Pero it takes time bago matapos ang kada eksena niya. Ang galing na ‘pag sa harap ng kamera, dahil ob-viously, merong editing doon, pero sa tunay na eksena ‘pag manonood ka? Maiinip ka!”

Well, kuwento lang naman ito at hindi nangangahulugang naniniwala kami, dahil hindi pa naman namin nakakatrabaho ang guwapong young actor, eh.

Ang galing-galing kaya niya kelan lang sa “Maalaala Mo Kaya,” dahil fee-ling namin, galing sa puso talaga ang akting niya.  Natural na natural.

 

“IKAW NA!” ‘YAN ANG bati palagi kay Ai-Ai delas Alas ng mga friends niya na ang ibig sabihin, “Hindi ka na talaga ma-reach. Para sa ‘yo talaga ‘yan! Congrats!”

Si Ms. Ai-Ai delas Alas na ang bagong endorser ng Flawless,” dahil nakita sa kanya ng may-ari ‘yung “ageless beauty” ni Ai-Ai.

“’Yung nakikita n’yong billboard sa Guadalupe Edsa, walang photoshop ‘yon.  Siyempre, ‘yung tattoo ko sa braso ang inalis, ‘yun lang ‘yon.

“Ayoko rin kasing ipagalaw ang mukha ko, natatakot ako, eh. From neck-down lang talaga ang ipinagagawa ko, pero ang mukha ko, ‘yan na ‘yon!”

Ai-Ai takes up to 1,200 mg of SkinLift bago matulog sa gabi. This miracle-in-a-tablet decreases the signs of aging by restoring collagen to the body.

“Pati sabon ng Flawless, ‘yun ang ginagamit ko!”

Marian Rivera says Venus Raj is ugly?!

SINABI BA TALAGA ni Marian Rivera na pangit si Venus Raj? Ang daming nagsasabi, capable si Marian to say that, dahil mahilig naman daw talagang mag-side comment si Marian.

Well, kung totoo man, parang pangit yatang magsabi ng pangit ang kapwa mo porke alam mong maganda ka, ‘di ba?

Kami nga, kahit sinabihan kaming “pangit” ni DJ Mo Twister, hindi namin siya si-nabihan ng “Pangit ka rin!” dahil foul na ‘yon at naniniwala naman kaming hindi pangit si Mo.

Puwede naming sabihing pangit ang ugali, bastos, walang respeto sa babae, kiss-and-tell or whatever, pero “Pa-ngit”?  Hindi n’yo kami maaasahang sasabihin namin ito.

Kaya sana, kung nasabi man ‘yon ni Marian, hindi naman siguro pangit na humingi siya ng paumanhin.

Lalo pa’t si Venus Raj ay nakapagdala na ng karangalan sa bansa habang siya ay wala pa. So far.

 

You may follow us on twitter @ogiediaz. Puwede n’yo rin kaming i-follow sa aming blogsite sa www.ogiediaz.blogspot.com at paki-like ang aming FB fanpage http://www.facebook.com/home.php#!/pages/The-Ogie-Diaz/139216656152101

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING