Marian Rivera, sana hindi jologs bilang Darna by Ogie Diaz

ADVERTISING

Marian Rivera, sana hindi jologs bilang Darna by Ogie Diaz

Marian Rivera, sana hindi jologs bilang Darna by Ogie DiazMARAMI NA’NG NAKAKARATING na “negative” tienes sa amin kaugnay ng pagda-Darna ni Marian Rivera. Pero siyempre, kaya gano’n ang kanilang reaksiyon, eh, dahil hindi pa nila nakikitang lumunok ng bato, sumigaw, lumipad at makipagtunggali sa mga kalaban ang bagong Darna.

ADVERTISING

So wa na muna natin husgahan si Marian porke nakita na natin si Angel Locsin na nag-Darna. Medyo mataas lang ang expectation ng mga tao ngayon kay Marian dahil sa ayaw at sa gusto niya, pilit siyang ikukumpara kay Angel.

Sana nga lang, ‘pag nainterbyu si Marian re the Darna thing, eh, ‘wag siyang magpaka-jologs lang sa pagsagot para tingalain pa rin siya sa paglipad bilang Darna.

NAKAKATUWA NAMAN ANG staff ng Banana Split. Kahit nang-i-spoof sila, eh, meron pa rin naman silang pakiramdam at hindi sila manhid. Since absent na for many days si Kris Aquino, hindi nila isinasama sa “NNNN” si Angelica Panganiban. Bagkus, si Jayson Gainza as Boy Abunda ang siyang host lang ng naturang segment.

ADVERTISING

Siyempre, naman, ‘no!  Si Kris ay naroon ngayon sa tabi ng mommy Cory niya na lumalaban pa rin sa buhay. Kaya nakikidalamhati rin ang buong staff at crew sa kalungkutan ni Kris. Tama naman ‘yon. Pagbalik na lang ni Kris, puwede na si Angel manggaya uli.

Read Ogie Diaz’ Blind Item: Boobs ng sexy actress, naimpeksiyon! By Ogie Diaz

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING