Marian Rivera, rinding-rindi na sa selos

ADVERTISING

Marian Rivera, rinding-rindi na sa selos

Marian-RiveraWALANG SAGOT si Popoy Caritativo sa tanong kung dadalo ba ito sa kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera kung sakaling imbitahin siya.

Sabi naman ni Marian, imbitado siyempre ang dati niyang manager dahil aminado naman siyang malaki ang naging bahagi ni Popoy sa kanyang buhay at sa kanyang career.

Napaluha nga ito nang tinanong sa kanya sa presscon ng Royal Announcement dahil mahal naman daw niya si Popoy.

Hindi raw siya nakalimot sa mga mahahalagang araw ng dating manager gaya ng birthday nito.

ADVERTISING

Nu’ng nakaraang Cinemalaya nga raw ay gusto na niya sanang lapitan ito, pero mukhang umiwas na si Popoy, kaya inintindi na lang niyang hindi pa ito handang makaharap siya.

Pero bumati nga raw si Marian sa Mommy ni Popoy, kaya handa na raw sana siyang makaharap ito.

Du’n mo talaga nakita na mahal pa rin ni Marian si Popoy at ganu’ndin naman itong huli kaya hindi pa siya handang makaharap ito dahil siguro masakit pa rin talaga sa kanya.

Gusto naman ni Marian siyempre na magpaka-positive na kaya dedma na siya sa mga negatibong bagay at kung kinakailangang makasundo na niya ang lahat, okay lang sa kanya.

Rinding-rindi na rin daw siya sa mga selos dahil hindi naman daw siya magri-react nang ganu’n kung walang ipinapakitang ‘di maganda ang babae. Nandiyan naman daw ang trust niya kay Dingdong, dahil mabait pa rin naman daw talaga ito.

Wish ni Marian na sana raw pagkatapos ng kasal, makabuo na agad sila ng baby dahil gustung-gusto naman daw nila ni Dingdong na makabuo ng pamilya.

Naku! Kaabang-abang ‘yang kasal nila sa December 30, at tiyak na magiging security nightmare ‘yan dahil gagawin pa naman sa isang napaka-busy na kalye ng Cubao. ‘Yun na!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING