Marian Rivera, reynang-reyna kung itrato ng Siyete

ADVERTISING

Marian Rivera, reynang-reyna kung itrato ng Siyete

Marian-RiveraREYNANG-REYNA TALAGA ang pagtrato ng GMA-7 kay Marian Rivera kahit pa anong pagkontra ng mga naiinggit sa kanya. Nagpapahinga muna ang primetime queen pagkatapos ng kanyang teleseryeng Carmela at habang bumubuwelo, ay ang Marian dance show ang ipinagkatiwala sa kanya. Mahalaga para kay Marian ang bago niyang show, dahil mahilig talaga siyang sumayaw, at napansin iyon nu’ng gawin niya ang teleseryeng Marimar.

Malaki ang karapatan ni Marian na magkaroon ng dance show, dahil napansin ng Siyete na sa panahong ito ay isa talaga si Marian sa kanilang mga alagang artista na puwedeng isabak sa sayawan habang nagho-host din. Sa Kapuso network noon napapanood ang nagtagal sa ere na dance show na Vilma! ni Governor Vilma Santos-Recto, at doon nagsimula ang inspirasyon ni Marian na magkaroon ng ganitong klaseng programa.

Isang season lang ang pinirmahan ni Marian para sa bago niyang programa. Kung magugustuhan ng televiewers ang kanyang show, sobra raw siyang magiging happy.

“Kung mayroon akong teleserye, mayroong mga pelikula at mayroong dance show ay kaya ko naman sigurong pagsabayin, dahil mahilig talaga akong sumayaw. Gusto ko talagang sumayaw,” masayang kuwento ni Marian.

ADVERTISING

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING