Marian Rivera, pinaiyak ni Dingdong Dantes? – Gorgy’s Park

NGAYONG LINGGO NA magtatapos ang Adik sa ‘Yo at natapos na ang taping nila dahil may cast party na nga sila sa darating na Biyernes.

Ngayong tapos na ang taping ng naturang telebabad ng GMA-7, tapos na rin kaya ang sweetness nina Pauleen Luna at Dennis Trillo.

Napapansin na raw ito ng mga kasamahan nila sa Adik dahil hindi na raw madalas na nagkikita ang dalawa.

Ibig sabihin naudlot na nga ang pagtitinginan nila at tapos na ang tawagan nila ng irog?

Tinanong ko si Pauleen tungkol dito, pero hindi naman diretso ang sagot sa akin kung ano na nga ba talaga ang kalagayan ng kanilang pagtitinginan.

Hindi na ba natuloy sa ligawan?

Nu’ng nakaraang Linggo ay marami ang nakapansin na nag-iiwasan daw sila sa SOP. Kaya kinulit uli namin si Pauleen dahil si Dennis ay tahimik lang talaga.

Okay naman daw sila, pero hindi na nga raw madalas ang pagkikita nila dahil tapos na ang taping ng Adik sa ‘Yo.

Abala naman daw siya ngayon sa Eat Bulaga at malapit nang magsimula ang bagong telebabad nitong Now That I Have You kasama sina Mark Herras at Jennylyn Mercado.

Sa totoo lang, mahirap sa kanilang pag-usapan kung ano talaga ang kalagayan ng kung ano mang relasyon meron sila dahil wala pa naman silang inaamin.

Hanggang exclusively dating lang daw sila at siguro ngayon hindi na sila nakakapag-date na madalas.

Nu’ng kamakalawa lang ay tinext sa akin ni Pauleen ang bago niyang cell number, pero hindi naman siya nawalan ng cellphone.

Meron na nga kaya siyang iniiwasang tawag o text?

Nairita na si Pauleen sa kakukulit ko kaya hindi na niya ako sinagot. Malalaman din ‘yan sa kalaunan, lalo na’t kung makikita nating may kanya-kanya na silang ka-date.

Basta sa ngayon ay abala raw si Pauleen sa trabaho niya at mas gusto niyang dito na muna siya mag-concentrate. Saka na raw ang lovelife.

MAY NANG-INTRIGA rin sa rumored sweethearts na Dingdong Dantes at Marian Rivera, nang mag-guest ang aktor sa sitcom ni Darna na Show Me Da Manny nila ni Manny Pacquiao.

May nag-text sa amin na nag-aaway raw ang dalawa kaya biglang umalis na raw si Dingdong at hindi na tinapos ang taping.

Kaagad na kinumpirma namin sa ilang staff ng Show Me Da Manny kung totoo ang nakarating sa amin na intriga.

Nandu’n pa raw si Dingdong at hindi raw totoong lumayas na ito sa taping. Sweet naman daw sila ni Marian pero nakita nga raw nilang umiiyak ang aktres sa kanyang dressing room.

Hindi naman si Dingdong ang iniyakan nito. Sobrang napagod lang daw ito dahil alas-siyete ng umaga na raw ito na-pack-up sa Darna, at tumuloy na lang ito sa taping ng naturang sitcom dahil alas-nuwebe ang call time nito.

Si Dingdong naman ay hindi naman daw nagtagal sa taping dahil tatlong sequences lang daw siya roon, dahil para lang daw sa promo ng Stairway to Heaven na magsisimula na sa September 14.

Hanggang sa nakaalis ito ay mukhang okay naman daw sila ni Marian at walang nakakitang nag-aaway sila.

Hindi kaya iniiintriga lang ang dalawa para pag-initin lang ang tandem nina Dingdong at Rhian Ramos?

Ayaw naman ng GMA- 7 ng ganu’n dahil hindi naman daw kailangang pagsabungin sina Marian at Rhian para ma-promote lang ang Stairway.

Sa ganda ng kuwento nito, tiyak na tatangkilikin naman daw ito ng mga manonood.

By Gorgy’s Park

Previous articleGuesswhodoes: Luis Manzano does the ‘Pag-iiwas’
Next articleYoung actor, huling kahalikan ang dyowang bading – Ogie Diaz

No posts to display