Marian Rivera, pinagtatawanan sa pekeng designer dress

Marian Rivera, pinagtatawanan sa pekeng designer dress

Marian-RiveraMADALAS DAW bumili si Marian Something ng mga damit online. Nothing wrong with that. But is it true na meron daw siyang nabiling pekeng damit online?

Well, merong nakapagsabi sa amin na laugh daw ng laugh ang ilang designers kapag nakikita nila ang Instagram posts ni Marianita wearing a designer dress. Fake daw kasi ang ilan sa mga ito.

True ba ito, Marianita?

Hindi naman kami naniniwala sa chikang ito. How could she have bought fake items online, eh, mukhang marunong namang tumingin ang hitad sa fake at hindi, ‘no.

Isa pa, when a Marian disciple-blogger posts pictures of Marian on her blog ay sure na sure siya sa description niya. Sobrang detalyado ang kanyang description kaya naman naniniwala kaming hindi fake ang mga isinusuot ng dyowa ni Dingdong Something.

Baka may naninira lang na designer kay Marianita dahil hindi niya ito pina-patronize.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas