Marian Rivera, pinagsaraduhan ng pinto ng sasakyan ang mga naghihintay na fans?

ADVERTISING

Marian Rivera, pinagsaraduhan ng pinto ng sasakyan ang mga naghihintay na fans?

Marian-RiveraAFTER TARAYAN ang isang 51 years old fan na sinundan ng isang construction worker, isang balita na naman mula sa aking source ang nagkuwento na ilang fans naman mula sa malayong probinsiya ang nakatanggap ng pagtataray mula kay Marian Rivera.
Ang siste raw, pasakay ng service van si Marian kung saan may mga fans itong nag-aabang sa kanya. Imbes daw na pagbigyan ang mga tagahanga nitong naghihintay sa kanya, bigla na lang itong pumasok na nakasimangot sa van sabay pataray na sinabing pagod siya at sinarado nang malakas ang pinto ng van.
Kaya naman daw tsika ng isang fan, “Maganda lang siya, mabait kapag nakaharap sa kamera. Pero sa personal, suplada pala!”
Kaya naman ang ending, hindi nagawang makalapit, makakamay o makapagpa-litrato ang mga ito sa iniidolo pa naman nilang aktres ng Kapuso Network.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING