Marian Rivera, patuloy na sinusorpresa si Dingdong Dantes!

ADVERTISING

Marian Rivera, patuloy na sinusorpresa si Dingdong Dantes! Marian Rivera, patuloy na sinusorpresa si Dingdong Dantes! NANG TANUNGIN SINA Dingdong Dantes at Marian Rivera kung ano ang meaning sa kanila ng “You To Me Are Everything” mabilis itong sinagot ng binata. “Parang equation, A plus B equals C plus you and me equals everything so, ‘yun ang para sa akin. Kumbaga, para makumpleto ang isang equation, mayroon ‘yung other factors.”

“You to me are everything, ibig sabihin wala na, lahat-lahat na, so para sa akin, siya ‘yung lahat para sa akin. Kapag everything… lahat. Kulang pa ‘yung salita kong everything para i-describe ko siya sa buhay ko. Bakit? Totoo naman!”  Pagmamalaking turan ni Marian. Maabilidad at may paninindigan ang ilan lang sa qualities ng actor na nagustuhan ng dalaga.

Very memorable kina Dingdong at Marian ang experience nila sa Strawberry farm in Baguio and Benguet while doing the film. First time nila ru’n kaya in between na take, kain lang sila ng kain ng strawberry.

“Bihira lang kaming makarating sa ganu’ng klaseng lugar so, might as well enjoy it!” Tsika ni Dingdong. “Mahilig talaga ako sa strawberry kaya nu’ng time na nandu’n kami, ninanamnam ko talaga. Ang sarap ng feeling na ikaw mismo ang pumipitas tapos kakainin mo,” dugtong naman ni Marian.

Inamin ni Marian na hanggang ngayon may kilig factor pa rin siya tuwing nakikita niya si Dingdong. “Kasi, tuwing nagkikita kami, palaging may bago sa kanya. Palaging may espesyal akong nakikita sa kanya. Habang tumatagal, lalo akong naguguwapuhan sa kanya.”

ADVERTISING

Napagsasabay kaya nina Dingdong at Marian ang kanilang personal at working relationships? “Sa working relationship, medyo complicated, kasi siyempre ngayon, not like before, walang pakialam. Ngayon, we see to it na kumportable kami sa isa’t isa, much more than noong magka-partner kami dati. ‘Yung level of caring, times 10. If you are on the set kung ano ‘yung gagawin mo, ‘yung role mo, naaalala mo pa rin kung paano siya in real life,” paliwanag ni Dingdong.

“Ako, maganda ‘yung naging resulta sa akin ngayon na nagkatrabaho uli kaming dalawa. Kasi, antukin ako. Pero ngayon, kapag kasama ko siya sa eksena, hindi ako inaantok. Mas maganda ang resulta ng working relationship namin ngayon para sa akin,” sey naman ni Marian.

“Madaldal pa sa akin si Dingdong, wala kaming ginawa sa set kung hindi kumain at magkulitan, ‘yun. Kahit nagba- blocking si Direk Mark Reyes, makulit pa rin kaming dalawa,” dugtong pa ng dalaga.

Gaano na kaya kalalim ang relationship nina Dingdong at Marian? “Kumbaga sa balon, kapag sumilip ka, wala kang makikita… hindi dahil sa madumi, kundi malalim siya na hindi maaabot ng mata kung anuman ang gusto mong makita,” makahulugang tugon ni Dingdong.

Sumang-ayon naman si Marian sa naging pahayag ni Dingdong. “Agree!” Para sa dalaga, ikinumpara niya sa dagat ang relasyon nila ng binata. “Marami kang makikita sa ilalim ng dagat. Marami talaga, kasi maraming fish at maraming coral.”

Kamakailan lang, nag-react si Dingdong sa mga negative write-ups na naglalabasan tungkol kay Marian. Sa isang interview sa TV, parang nagbanta pa raw ang binata sa mga kumakalaban sa dalaga. “Seryoso talaga, totoo naman! Kung may proof naman sila at tama naman, I will not argue. Pero kung mali, which I know what the truth is, mahiya naman sila!”

As lovers, dumating kaya sa point na kahit papaano may sawaan factor kina Dingdong at Marian? “Hindi. ‘Yun ang something na pinanghahawakan namin from day one. Noong first time kaming magkakilala… ‘yung pagiging unpredictable naming dalawa, individually. Never naming nahuhulaan kung ano ‘yung susunod na gagawin ng isa’t isa. Nai-excite kami sa bawat araw na magkasama kami. Much more kapag gumagawa kami ng role gaya nito. Hindi ko ini-expect na ganu’n ‘yung atake niya sa role, kahit ano na, surprise sa kanyang interpretasyon,” kuwento ni Dingdong.

Maraming pagbabago sa buhay ni Marian nang maging sila ni Dingdong. “Kasi, minulat niya ang mata ko. Hindi lahat sa paligid ay mapi-please mo talaga. As long na tama ka at ang importante na palagi niyang sinasabi, ‘yung mga nakapaligid na nakakakilala na nagmamahal sa ‘yo, nand’yan para suportahan ka. Wala akong dapat ipag-alala at palagi niyang sinasabi na nand’yan siya sa likod ko, handang sumuporta kahit ano ang mangyari,” say ni Marian.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING