Marian Rivera, papayag lang matsugi ang soap kung maunang matsutsugi ang soap ni Jennylyn Mercado?

ADVERTISING

Marian Rivera, papayag lang matsugi ang soap kung maunang matsutsugi ang soap ni Jennylyn Mercado?

Marian-RiveraFOR US ay obvious na si Marian Rivera ang tinutukoy sa blind item na lumabas recently sa Fashion Pulis.

ADVERTISING

The article is about a female star na sinabihan ng network executives na matsutsugi na ang soap opera dahil hindi nagre-rate at palaging konti ang commercial.

When she learned about it ay nagtaray raw ang female star at sinabihan ang executives na hindi nagre-rate ang kanyang teleserye dahil hindi ito masyadong napo-pormote, hindi katulad ng soaps sa kabilang network na pukpukan ang pagpo-promote. Pumayag lang daw ang hitad na matsugi ang kanyang soap kung mauunang titigbakin ang soap opera na pinagbibidahan ng isang hot mama, na obviously ay si Jennylyn Mercado.

Natakot yata ang executives ng network kaya ang naging solusyon ay i-extend na lang ang soap ng female star. Basta mauna raw dapat matsugi ang soap ng isang female celebrity sa kabilang network ay okay lang sa kanya. Obvious bang si Angel Locsin ang tinutukoy rito?

ADVERTISING

Actually, well-promoted naman ang soap ni Marian, kabi-kabila ang publicity kaya lang wala pa ring dating ang teleserye niya. Wala na ang kanyang magic sa TV at hindi rin sila bagay ni Alden Richards, wala silang chemistry.

Naku, tiyak na magwawala na naman sa galit si Rams David, ang alalay palagi ni Marian kahit saan siya magpunta. Isa ring tiyak na maiimbiyerna sa item na ito ay si Nora Calderon na kilala sa showbiz na Marian defender. And best of all, the fans of Marian will surely lambast us again. But we don’t give a hoot. Sino ba sila?

Marian, true ba ang blind item sa ‘yo ng Fashion Pulis? Pakisagot nga!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING