Marian Rivera, nilayasan ng direktor sa dance show

ADVERTISING

Marian Rivera, nilayasan ng direktor sa dance show

1 Marian-RiveraMAY NAGTANONG kung totoo raw bang nagalit si Direk Louie Ignacio kay Marian Rivera kaya nag-resign itong director ng dance show ng actress sa GMA 7?

Nagtampo raw si Direk Louie kay Marian kaya nagdesisyon na mag-resign na lang sa show kaysa umabot pa sa hindi magandang pangyayari. Tuloy pa rin ang show ng actress pero hindi na si Direk Louie ang director.

Pero lahat ng mga naglabasan sa biglaang pagkalas ni Direk Ignacio sa show ay wala raw kinalaman sa tampuhan or galit ng director kay Marian.

Ayon sa kampo ni Direk Louie ay very religious at aktibo ngayon si Direk sa Eucharistic Congress of the Philippines.

ADVERTISING

Maging si Direk Louie ay nagulat sa naglabasan at kinumpirma na wala silang tampuhan ni Marian.

“Hindi totoong may hidwaan kami ni Marian. Masaya kaming nag-usap dalawa. Sino naman ‘yan naglabas na galit ako kaya nag-resign. Naging maganda nga ang samahan namin sa show, mula kay Marian hanggang sa production staff.

“Ang totoo ay magdidirek ako ng isang religious show. Hanggang ngayon, regular pa rin ang communication namin ni Marian,” say ni Direk Louie.

Hindi naman kaya sa bandang huli ay mabalitaan namin na nag-sign din si Direk Louie sa religious show nito dahil balak naman niyang maging isang priest?

Natawa si Direk at sinabi na walang imposible ngayon. Kung saan daw ba tayo mas liligaya ay huwag nating ipagkait sa sarili.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING