Marian Rivera, napahiya sa noontime show?

ADVERTISING

Marian Rivera, napahiya sa noontime show?

Marian-RiveraTILA KAHIHIYAN lang ang inaabot ni Marian Rivera sa pagsali niya sa Juan for All, All for Juan segment ng Eat… Bulaga!

ADVERTISING

Kasi, in one episode ay hindi mabanggit nang tama ang kanyang pangalan.

One guy called her Miriam. Ni hindi nga mabanggit ang kanyang apelyido. Halatang hindi siya kilala ng lalaking ininterbyu nina Wally Bayola at Jose Manalo.

At one point naman, ‘yung babaeng nagwagi naman sa segment ang hindi nakakilala sa dyowa ni Dingdong Dantes. Tinawag kasi niya itong Marianne as in Marianne dela Riva.

ADVERTISING

Tawa lang nang tawa si Marian. But deep inside, we felt na hiyang-hiya siya sa pangyayari. Imagine nga naman, on national television ay tawagin ka sa ibang pangalan.

Anyway, ang reaction ng marami sa social media, hindi kapani-paniwala na hindi nila kilala si Marian. Sikat na sikat daw ang dalaga para hindi makilala ng madla.

Meron namang nagsabi na ang barangay Batasan Hills na dinayo ng taga-Eat… Bulaga! ay ABS-CBN country kaya hindi nila kilala si Marian doon. Para sa amin, mas kapani-paniwala ang opinyong iyon.

With what happened ay parang nagduda tuloy kami kung  talagang sikat na sikat si Marian.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING