Marian Rivera, nananatiling ‘hottest Pinay’ ayon sa Esquire Indonesia

ADVERTISING

 alt=

NANANATILING ‘hottest Pinay’ si Marian Rivera, kung saan nag-iisang Pinay ang Kapuso actress na nakapasok sa listahan ng 7 Hottest Asian Women in the World ng Esquire Indonesia.

Ito ay sa kabila ng pagiging isa nang maybahay ni Marian sa aktor na si Dingdong Dantes at ina kay Baby Zia.

Sa Instagram post ng @thedongyanatics mula sa Esquire Indonesia, no. 2 si Marian sa nasabing listahan. Nanguna bilang hottest Asian woman of the world si Deepika Padukone ng India at pangatlo si Fan Bingbing ng China. Nasa no. 4 naman ang isa pang Indian na si Mahira Khan; no. 5 si Lee Ha-Nui ng South Korea; no. 6 si Tao Okamoto ng Japan; at no. 7 si Kelly Tandiono ng Singapore.

ADVERTISING

“Until now, the name of Marian Rivera still often dominates the Philippine entertainment world as an actress and model. Of Filipino and Spanish descent, Marian has also landed in the list of 100 sexiest women in the world by FHM Magazine,” ayon sa paglalarawan ng Esquire Indonesia kay Marian.

ADVERTISING