Marian Rivera, nakiusap sa fans na suportahan si Andrea Torres bilang ‘sexiest woman’

Marian Rivera, nakiusap sa fans na suportahan si Andrea Torres bilang ‘sexiest woman’

Marian-Rivera-Andrea-TorresSA PAGKAWALA ni Marian Rivera sa titulong ‘sexiest woman’ ng isang men’s mag, napunta ito kay Andrea Torres.

Gustuhin man ni Marian na sumali pa rin sa naturang voting competition, hindi na puwede dahil una ay may asawa na siya at buntis pa.

Dahil magkasama sa isang kuwadra ng pangangalaga sina Marian at Andrea, nakiusap si Marian sa mga tagasuporta na si Andrea Torres ang suportahan sa nasabing competition ng pagandahan at paseksihan.

Hindi naman nalalayo si Andrea kung pagandahan at paseksihan ng katawan ang pag-uusapan at pagtatalunan, dahil super ganda at seksi naman talaga ni Andrea ngayon. Ito ay pinatunayan niya nang mag-pose siya sa men’s mag.

Ayon kay Andrea, kahit na ano’ng mangyari, matalo’t manalo siya, mananatili siyang mapanonood sa longest running gag show na Bubble Gang every Friday sa GMA 7.

Tungkol naman sa kanyang lovelife. Zero pa rin daw hanggang ngayon, pero hindi naman niya ikinaila na may pumoporma. Career daw muna ang pinagtutuunan niya ng pansin bago pasukin at isipin ang pagkakaroon ng boyfriend.

Magkaibigan lang daw sila ni Sef Cadayona, tulad din ng pagtingin niya sa mga kasamahang guy sa Bubble Gang.

 

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo