Marian Rivera, nakipagbati na kay Lovi Poe

Marian-RiveraNGAYON LANG pinag-usapan ang pagbabati nina Marian Rivera at Lovi Poe sa party ng 15th anniversary ng Yes magazine nu’ng nakaraang Lunes, na ginanap sa Crowne Plaza Hotel.

Ang taga-Yes lang kasi ang nakapagkuha ng eksena nilang nilapitan ni Lovi si Marian at bumeso ito.

Sa litrato nga, nakitang parang nagulat pa si Dingdong.

Parang hindi naman sila nagkatsikahan, pero at least nagkabatian at walang isnaban.

Ang isa pang inaabangan doon ay ang pagbabati nina Marian at ng dati niyang manager na si Popoy Caritativo.

Ang kuwento sa akin ng mga bading na nandu’n, late na raw kasi dumating si Popoy kasama ang mga alaga niya. Nang pagpasok nila, paalis na raw sina Marian at Dingdong. Kaya hindi nagkaroon ng chance na magkasalubong sila.

Tingin ko naman pareho na silang nakapag-move on kaya wala na siguro ‘yun.

Lalo na si Marian na buntis na buntis, kaya ayaw na niyan mag-entertain ng mga kanegahan.

Mas naka-concentrate siya sa panganganak niya.

Sa November na nga raw ang due niya, kaya pinaghahandaan na ito ni Marian, at excited na silang mag-asawa.

Meron na nga raw silang 4D na ultrasound at sabi ni Dingdong, mas kamukha raw ni Marian. Eh, ‘di ang ganda ganda ng bagets, ‘di ba? Pero sabi naman ni Marian, halo raw. Eh, ‘di lalong maganda!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Previous articleBea Alonzo, aminadong may pinagdaraanan sila ni Zanjoe Marudo
Next articlePinoy Parazzi Vol 8 Issue 93 July 31 – August 02, 2015

No posts to display