Marian Rivera, nagtaray sa isang construction worker sa CDO

ADVERTISING

Marian Rivera, nagtaray sa isang construction worker sa CDO

Marian-RiveraMUKHANG MAHIHIRAPAN na yatang mabago pa ang ugali ng itinuturing na Primetime Queen ng Kapuso Network na si Marian Rivera at kahit anong gawin dito para magmukhang mabait at maging maganda ang imahe, mukhang mahihirapan dahil na rin sa mga naglalabasang negatibong balita.
After nitong mapabalitang nagtaray ng isang 51 years old fan na nanonood ng taping ng Marian sa GMA Studio 7, balitang muli na naman itong nagtaray, and this time sa isang restaurant sa Cagayan De Oro City.
Ayon nga sa aming source, habang kumakain daw si Marian, biglang may pumasok na construction worker na medyo may dumi sa kanyang kasuotan sa restaurant na natapat sa harap ni Marian. Bigla raw tumigil sa pagkain si Marian at pagalit daw itong naglitanya ng, “Talagang tiniyempuhan mo na nakakanganga ako, kuya? Nawalan tuloy ako ng gana!” Na ikinagulat ng kaawaawang construction worker at ng mga taong naroroon.
At dahil nga raw sa kahihiyan, walang nagawa ang lalaki kung hindi yumuko na lamang at nahiya sa tinuran sa kanya ni Marian at umalis na lang palabas ng restaurant.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING