Marian Rivera, nagtaray na naman sa isang fan?

ADVERTISING

Marian Rivera, nagtaray na naman sa isang fan?

Marian-RiveraHOW TRUE kaya ang nasagap naming balita na muli na namang nagtaray sa isang fan si Marian Rivera? Naganap daw ito sa isang show kung saan ang isang fan ay nagtsi-cheer sa kanyang paboritong artista nang bigla daw itong lapitan ni Marian sabay litanyang “Hoy! Tili ka nang tili d’yan! Ba’t hindi mo ako tinitilian? Gusto mo bang ipakuyog kita sa mga fans ko?!”

ADVERTISING

At dahil nga sa takot dahil sa pagkunpronta sa kanya ni Marian, nagmistulang pipi raw ang nasabing tagahanga at hindi na muling tumili pa para sa kanyang iniidolong artista or else baka nga raw totohanin ni Marian ang sinabi nitong ipakukuyog siya sa mga tagahanga ng malditang actress.

Ang ending, nanood na lang daw ng show ang nasabing fan at hindi na kailan man tumili hangang sa natapos ang show dahil na rin sa takot kay Marian at baka lapitan daw siya nito ulit at tarayan. ‘Yun na!

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING
ADVERTISING