Marian Rivera, naglilihi kay Dingdong Dantes at sa candy

Marian Rivera, naglilihi kay Dingdong Dantes at sa candy

Marian-RiveraSA INTERVIEW nga ni Jessica Soho sa mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera last Monday, kinumpirma ng sikat na couple na may anghel na dumating sa kanilang buhay. Walang pagsidlan ng kaligayahan ang nadarama nina Dong at Marian habang kausap ni Ms. Jessica dahil nagbungad na nga ang kanilang pagmamahalan.

Tinanong ni Ms. Jessica kung baby boy or baby girl ang magiging first baby nila. Sabi ni Dong, magkaroon lang ng anak ay sapat na at hindi na importante kung lalaki or babae ang magiging anak. Ang mahalaga ay nabiyayaan sila ng isang anghel.

“Kaya kami nagpakasal ni Marian ay para makabuo ng isang pamilya. Mahirap ang pinagdaraanan niya ngayon. Kung puwede, ako na lang ang magdusa at dumanas ng hirap para sa kanya (Marian),” pahayag ni Dingdong.

Hirap nga raw magbuntis si Marian. Tuwing umaga ay nagsusuka siya at kahit malapit na biyahe lang ay kaagad na raw siyang nahihilo.

When asked kung ano ang pinaglilihian ni Marian, “Lagi niyang kinukurot ang pisngi ko. Kinakagat ang balikat ko,” nakangiting say ni Dong.

Ayon naman kay Marian, bukod sa lagi niyang pinanggigigilan si Dong, gustung-gusto niyang kumakain ng kendy.

“Gusto ko magkakain ng candy, yung White Rabbit na pati balat ay kinakain. Basta candy na kulay puti, gustung-gusto kong kainin,” pagtatapat ni Marian.

Alam ni Dong na mauurirat ang pagbubuntis ni Marian. Nakiusap ito na sana raw ay ipaubaya na lang sa kanila at maging pribado ang pagbubuntis ni Marian dahil maselan at mahirap daw ang kalagayan ng asawa.

Dahil nabuntis na si Marian, sigurado na apektado ang bagong serye nito sa GMA 7. Maselan nga raw ang pagbubuntis nito at panganay pa nila ni Dong. Natural na magiging maingat ang dalawa, lalo na si Marian na pagbabawalan na itong magtrabaho, para maprotektahan ang magiging baby nila.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo