Marian Rivera, may hamon kina Gov. Vilma Santos at Maricel Soriano

ADVERTISING

Marian Rivera, may hamon kina Gov. Vilma Santos at Maricel Soriano

Marian-Rivera BONGGA PALA ang nakaraang PEP List Awards na ginanap sa Solaire Resorts and Casino nu’ng nakaraang Martes ng gabi.

Kahit invited ako ni Jo-Ann Maglipon na editor ng PEP, hindi pa rin ako pumunta dahil gabing-gabi na nagsimula, at siyempre ayokong lumabas dahil birthday ko ‘yun nu’ng araw na ‘yun.

In-enjoy ko na lang ang araw na ‘yun dahil ang dami namang nakaalala sa akin, in fairness. Daming nagpadala ng pagkain na ‘yun lang naman talaga ang type ko na iregalo sa akin.

Sabi ko nga, kung papalitan ng 1 thousand pesos ang bawat text na bumabati sa akin, siguro ang dami kong naipong datung! Kaya lang hanggang text na bati lang naman sila, pero puwede na rin. At least, kahit papano nakaalala.

ADVERTISING

Balik tayo sa PEP List Awards, star-studded naman pala ang event nila at halos lahat na mga awardees, dumating.

Ang kuwento nga sa akin ng Startalk reporter namin, isa raw sa nakaw-eksena roon ang magkasintahang Dingdong Dantes at Marian Rivera na parehong may tinanggap na award.

Nakita ko nga sa TV, ang ganda ni Marian du’n na parang ang sosyal ng gown na suot. Lalong gumuwapo naman si Dingdong na ang laki nang ipinayat bilang paghahanda niya sa bagong drama series niyang Ang Dalawang Mrs. Real.

Kuwento du’n ni Marian, excited daw siya sa pagsisimula niya sa bagong dance show niya na pinamagatang Marian.

Ang dream daw niya na gusto niyang makasayaw sa pilot episode nito ay sina Vilma Santos at Maricel Soriano.

Bongga nga kung matuloy ‘yun dahil ang daming pinasikat na sayaw ng dalawa.

Sabi naman ni Marian, pinakiusapan na raw niya si Gov. Vi at mukhang pagbibigyan naman siya. I’m sure si Maricel hindi naman niya bibiguin si Marian. Kaya kaabang-abang ‘yang bagong show na ‘yan ni Marian.

Hindi pa naman nagsisimula si Marian sa bagong show niya, nasa Eat Bulaga muna ito at mukhang nag-i-enjoy naman siya sa pagsali niya sa All for Juan kasama sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING