Marian Rivera, mas type ng parents ni Dingdong Dantes kaysa kay Karylle!

ADVERTISING

PURING-PURI NI DINGDONG Dantes si Piolo Pascual dahil sa adhikain nitong makatulong sa movie industry kaya namuhunan itong makagawa ng matinong pelikula. Pagkatapos ng ginawa niyang digital movie na Manila, na dinala noon sa Cannes International Film Festival, binuhusan naman niya ngayon ng datung ang isang nakaaaliw na pelikulang pagbibidahan ni Eugene Domingo, ang Kimmydora, kung saan si Dingdong ang ka-partner ng naturang komedyante.

Sa pictorial nila nu’ng nakaraang linggo, naging biruan na nila ang gagawing kissing scene nila na ngayon pa lang, kinakabahan na raw si Uge. “Ako nga kinakabahan din,” sagot agad ni Dingdong na all-out ang suporta sa launching movie ng magaling na aktres.

ADVERTISING

Kung sa pagpu-produce ngayon naka-focus si Piolo, okay na raw muna si Dingdong sa pag-aartista kahit may nag-aalok sa kanyang magdirek uli.

Tama na raw muna ang pag-aartista dahil ayaw niyang mag-focus sa ibang bagay. Pagkatapos nitong Kimmydora, magku-concentrate na siya sa bagong primetime series na gagawin niya sa GMA-7, ang Stairway to Heaven.

Meron pa siya ngayong pinaghahandaang album under Universal Records na ilu-launch sa SOP sa darating na Linggo.

ADVERTISING

Mga MTV raw ito, kung saan tampok siya at iba-ibang concept ang mapapanood dito. Medyo daring daw siya rito na tiyak ikatutuwa ng mga fans at muling patutunayan ng aktor ang kaseksihan niya.

Kung daring si Dingdong sa ilalabas niyang album, medyo bantulot nama siya sa pagko-comment sa seksing Darna costume ni Marian Rivera.

“Conservative pa rin kasi akong tao, kaya mahirap na mag-comment. Wala naman akong say d’yan dahil mas alam ng GMA kung ano ang makabubuti sa project ni Marian,” sagot nito.

Meron pa ngang sexy pictorial si Marian sa isang magazine na hindi na nito ipinakita kay Dingdong dahil tiyak na magri-react daw ito.

Say naman ni Dingdong, wala silang pakialaman pagdating sa kanilang career. Kaya nandiyan lang daw siya para sumuporta sa aktres at sa totoo lang, hindi na kailangang kulitin kung ano na talaga ang status nila. Base sa mga sagot ng dalawa, sila na nga. Hindi lang makumpirma kung gaano na sila katagal.

Diretsahang nagpahayag si Marian na si Dingdong daw ang pinakamahalagang lalaki sa buhay niya at ganu’n din naman ang sagot ng aktor kung gaano kahalaga si Marian sa kanya.

Siyempre, lalong minahal nito si Marian dahil ang sarap palang magluto ng aktres. Hindi na nga raw sila gaanong lumalabas dahil nagluluto na lang si Marian at iniimbitahin na lang daw niya si Dingdong na mag-dinner sa kanila.

Kung sarap na sarap si Dingdong sa sinigang ni Marian, ngayon naman ay chicken curry daw ng aktres ang kinalolokohan niya.

May kasabihang ngang “The best way to a man’s heart is through his stomach.” Si Marian na nga kaya ang babaeng panghabambuhay niya? “Sana. Wala naming makapagsasabi kung ano ang nakatakda sa atin, eh. Tanggapin na lang natin kung ano ang nakatakda para sa atin,” sagot naman ni Marian na agree naman si Dingdong.

Hindi na lang sila sumagot sa tanong naming mas type na nga raw ngayon ng magulang ni Dingdong si Marian kesa kay Karylle.

Bongga raw kasing mag-alaga si Marian sa lalaking minamahal niya nang husto.

by Gorgy’s Park

ADVERTISING