Marian Rivera, mas makabubuting manatili na lang sa Siyete

ADVERTISING

Marian Rivera, mas makabubuting manatili na lang sa Siyete

Marian Rivera, mas makabubuting manatili na lang sa SiyeteMAS MARAMI ang naniniwalang dapat manatili si Marian Something sa Siyete.

This came after rumors surfaced na Marian’s camp is entertaining options to move to ABS-CBN or TV5.

Sabi ng mga nagmamalasakit kay Marianita, kung lilipat siya sa Dos ay tiyak na magiging palabok lang siya roon. Marami na kasing nakapuwesto at tiyak na magkakaroon lang siya ng kaaway.

Also, wala naman daw binatbat si Marianita pagdating sa acting kaya tiyak na mapapalaban Marian Rivera, mas makabubuting manatili na lang sa Siyetelang siya sa mga artista ng Dos. Tiyak daw na lalamunin siya ng talents ng ABS-CBN dahil mas magagaling itong umarte kaysa sa dyowa ni Dingdong Dantes.

ADVERTISING

Kung mananatili raw si Marianita sa Siyete ay mananatili siyang Primetime Queen at reyna pa rin ng Siyete.

Well, it kinda make sense.

Sa Dos nga naman ay wala namang kasiguruhang magiging mas sikat siya.

Isa pa, how can she be welcome sa ABS-CBN kung nandoon si Angel Locsin? Siyempre, mas magiging priority si Angel kaysa sa kanya, ‘no!

Iisa ang naiisip ng fans, gusto ring makaranas ni Marian na makalabas sa pelikulang may kabuluhan at award-winning. Si Angel kasi, marami ng acting award samantalang si Marianita ay isa pa lang. Ang Sexiest Pinay award naman niya ay hindi naman talaga maituturing na major achievement, ‘no!

Siguro ay inggit na inggit si Marianita sa career trajectory ni Angel.

Sabi nga ng iba, Marian should be grateful to Angel dahil kung hindi umalis ang huli sa Siyete ay baka until now ay starlet to a pine tree proportion pa rin ang dyowa ni Dingdong Dantes.

One must remember na lahat ng iniwang project ni Angel sa Siyete ay sinalo lahat ni Marianita.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING