Marian Rivera, mas bagay tawaging ‘Flopstar’ kaysa ‘Primetime Queen’

ADVERTISING

Marian Rivera, mas bagay tawaging ‘Flopstar’ kaysa ‘Primetime Queen’Marian Rivera, mas bagay tawaging ‘Flopstar’ kaysa ‘Primetime Queen’

MARIAN SOMETHING is reportedly doing four movies next year and it will star her opposite Angel Locsin, Kris Aquino, Robin Padilla and Coco Martin.

With the exception of Coco Martin who never had a big hit movie dahil parang break even lang ang kinita ng film niya with Angeline Quinto, lahat ng makakasama ni Marian are box-office stars. The same cannot be said on Dingdong’s girlfriend who never had a big hit in her career.

Can somebody tell us if she has a movie which surpassed the P100 million mark? Wala naman, ‘di ba? With this, FLOPSTAR will be a more apt title sa kanya kaysa sa ipinagpipilitan ng network niya na Primetime Queen.

It doesn’t make sense na tinatawag na Primetime Queen ang isang star pero flopsina naman sa rating ang kanyang show. Nagmumukha lang tanga ang tumatawag sa kanya ng moniker na ito.

ADVERTISING

Teka, wala bang magagawa ang PR na sina Angel Javier at Marian Domingo para pataasin ang rating ng programa ni Marianita? Have all their efforts, the episodic press releases and all, proved to be futile, ha, Marian and Angel?

 

MORE OR less ay ten million pesos worth na alahas ang nawala kay Cristina Decena noong mag-shoot sIya ng kanyang bagong endorsement.

Nawalan man ng ganoong kalaking halaga ay madali namang naka-recover si Cristina nang makatsika namin siya sa launching ng pito niyang bagong tayong bahay sa BF Homes Parañaque.

Sabi ni Cristina, hindi na niya nasuot ang alahas dahil hindi na raw ito kailangan sa shoot according to her stylist. So, inilagay niya ito sa kanyang bag.

“Noong tsinek ko ay wala na talaga siya. Siyempre nalungkot ako. Gusto kong i-pack-up kanina ‘yung shoot ng Mapecon kaya lang ay nakakahiya kay Direk, ‘di ba?” sabi ng businesswoman.

Cristina lost an eternity necklace, a 3 karat triangle earrings, ring and bracelet.

At first, Cristina was devastated.

“Kanina nga ay lungkot na lungkot ako pero noong mahimasmasan na ako, ang sabi ko ay magsisikap na lang ako. At least okay ako.”

 

Marian Rivera, mas bagay tawaging ‘Flopstar’ kaysa ‘Primetime Queen’ALL’S WELL that ends well ang drama nina Ai-Ai delas Alas at Vice Ganda.

“Masaya kami. Ini-spoil niya ako every time nagsi-shooting kami. Naadik kasi ako sa Nagaraya,” tsika ni Vice sa presscon ng Sisterakas na entry sa Metro Manila Film Festival.

They were so close to the point na parang nagseselos na nga raw si Kris Aquino na kasama rin nila sa movie.

“Si Kris nga nagseselos na, eh. ‘Bakit kayo laging nagkukuwentuhan?’” chika ni Vice who said na hindi na kailangang i-break ang ice when he and Ai-Ai started shooting the movie.

“Parang walang brineyk na ice. Sabi ko nga, binigla kami sa Showtime dati. Hindi man lang kami sinabihan na magtatagpo kami. Parang na-off ako na hindi man lang sinabi na magtatagpo kami ni Ms. Ai. Pero noong nagkita kami sa backstage ay nagchikahan kami agad. Natapos ‘yung shooting na parang wala kaming pinagdaraanan.”

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING