Marian Rivera, malaki ang pasasalamat sa tiwala ng Beautederm

ADVERTISING

Marian Rivera, malaki ang pasasalamat sa tiwala ng Beautederm

Marian Rivera, malaki ang pasasalamat sa tiwala ng Beautederm
Marian Rivera with Rhea Tan

MALAKI ang pasasalamat ni Marian Rivera na kahit may dalawa na siyang anak – sina Zia at Ziggy – ay pinagkakatiwalaan pa rin siya ng iba’t ibang kompanya para maging endorser nag kanilang produkto.

Si Marian ay endorser ng Beautederm para sa Reverie by Beautéderm Home – na isang exquisite line of home scents  na kinabibilangan ng mga soy candles, room sprays at linen sprays.

“Lahat ng ito ay para sa future ng anak namin. Kaya haping-happy ako, sabi ko nga, eh, salamat sa mga biyayang ito dahil mase-secure namin ang kanilang kapalaran, ang kanilang future,” wika ni Marian.

Ang Beautederm ay nagbukas ng kanilang pang-88 store sa Marquee Mall Angeles, Pampanga noong September 18 na dinaluhan mismo ni Marian. Ang aktres ang nanguna sa ribbon-cutting ceremony ng flagship store ng Beautederm.

ADVERTISING

Ayon sa CEO and president ng Beautederm na si Rhea Tan, mas naging matagumpay ang pagbubukas ng kanilang flagship store dahil sa presence ni Marian na after the ribbon cutting ay pumayag pang mag-autograph signing at magpa-picture sa fans.

Ani Rhea, “Ito ay dream come true. Ang flagship store na ito ay isa sa testament kung ano ang kayang gawin ng hard work, dedication, at steadfast prayers.”

Samantala, sa paglipas ng panahon, naging matalik na magkaibigan sina Rhea at Marian at lumagpas na ang kanilang samahan sa kanilang partnership.

Marian Rivera, malaki ang pasasalamat sa tiwala ng Beautederm

“I feel blessed at honored din sa tiwala na binigay sa akin Rei para i-represent ang Beautéderm Home. Ang aking partnership sa Beautéderm ay isa sa pinakamaganda at nakakataba ng puso dahil para na kaming magkapatid ni Rei,” lahad naman ni Marian.

Ang Beautederm ay isang consistent Superbrands awardee. Ilan sa mga flagship brands sa ilalim ng Beautéderm ay ang sikat na sikat na Beautéderm Skin Care Sets para sa mukha at katawan; ang perfume collection nito na kinabibilangan ng Origin Senses perfumes for men, at maraming pang iba – na lahat ay pawang top-selling products sa merkado.

 
 
 

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING