Marian Rivera, malabong maka-showdown si Alma Moreno

ADVERTISING

Marian Rivera, malabong maka-showdown si Alma Moreno

Marian-RiveraISA SA mga rason kung bakit binuo ang dance show na Marian na of course si Marian Rivera ang host with Paolo Ballesteros at Julie Anne San Jose ay para bigyan tribute ang mga kilala at mahuhusay na sumayaw na mga actress tulad nina Vilma Santos, Maricel Soriano, Alma Moreno, atbp.

Nakapagtaping na sina Vilma at Maricel with Marian maliban kay Alma dahil may idinadaing itong karamdaman. Pinatotohanan ito ng anak ni Alma kay Joey Marquez na si Wynwyn Marquez na may karamdaman ang kanyang ina at hindi puwedeng sumayaw dahil sa iniindang sakit sa likuran.

Matatandaang nagpa-check-up si Alma noon sa mga doctor at nalaman na may sakit itong multiple scoliosis. Sabi, wala na raw lunas ang sakit pero makapamumuhay pa rin nang normal ang taong may ganoong uri ng karamdaman basta maaalagaan.

Natural na nalungkot si Marian dahil ang pangarap niyang makasama sa dance floor si Ness ay malabong nang mangyari.

ADVERTISING

“Gusto ko talagang makasama si Ms, Alma Moreno dahil isa siya sa mahuhusay na sumayaw noong araw. Pero nagpasabi na gustuhin man ni Ms. Ness ang aming imbitasyon ay hindi puwede dahil nga sa karamdaman nito.

“Kami naman, pinagdarasal ang mabilis na paggaling ni Ms. Alma. Umasa pa rin ako na makasasama ko si Ms .Alma sa aming show,” say ni Marian na super galing gumiling.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING