Marian Rivera, mahilig mag-power trip?

ADVERTISING

Marian Rivera, mahilig mag-power trip?Marian Rivera, mahilig mag-power trip?OLACHIKKA……….NALOKA AKO ako nang itsika mismo sa akin ng isa sa mga cast ng bagong show ni Marian Rivera sa GMA-7 na Darna na nagagalit daw itong si Marian kapag may dumarating at hindi bumabati sa kanya ng good morning. Ano raw?! At hindi lang ‘yan, kapag hindi raw niya gusto ang isa sa mga cast ay tsugi agad, kailangang palitan. Ha! Ha! Ha! At ganu’n nga raw ang nangyari kay Katrina Halili. Hindi niya raw ito nagustuhan dahil sa kasagsagan ng sex scandal ni Katrina, kaya ayun, tsugi ang sexy actress. Kalerke ha!

Ito pa ang nakakalerke, madaling araw pala sinusundo ni Dingdong Dantes itong si Marian sa taping. Hmmm…Dagdag pa na tsika, naglilive-in na raw ang dalawang ito kaya lang ay tinatago nila dahil takot na maapektuhan ang kanilang career. Ang isa pa na nakakaloka ay kasama pala sa cast ng Darna ang tsikboy ng bayan at hari ng dance floor na si Mark Herras. Naabutan daw ito ni Dingdong nang dumalaw ito sa set ng Darna na kausap si Marian kaya kinabukasan ay natsugi na si Mark sa mga cast at pinalitan na ng iba. Kahit nakapag-umpisa nang mag-taping ang young actor. Kaloka ha! Dahil nagselos nga raw itong si Dingdong sa batang actor. Alam raw niya na si Mark ay habulin ng mga babae at ayaw raw ni Dingdong na mapalapit ito kay Marian. Nakakaloka, ha! Naku, wala akong ma-say sa tsika ng aking friend na kasama sa cast ng Darna. ‘Yun na!

ADVERTISING

Read Tita Swarding’s Blind Item: Hunk aktor, may karelasyong bading na pari!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING