Marian Rivera, magtatatlong buwan nang buntis

Marian Rivera, magtatatlong buwan nang buntis

1 Marian-RiveraTWO TO three months naman daw buntis ang misis ni Dingdong Dantes. Yes, the GMA’s Primetime Queen and “Primetime Empress” are both preggy!

Siyempre, one can’t help but ask kung paano na ang soap ni Mrs. Dantes. Marami siyempreng do’s and don’ts sa sinumang babaeng nasa kagampan lalo’t first time niyang magbubuntis to ensure the healthy disposition of the baby as well as the mother.

“Baka iiklian ‘yung soap niya,” ang nakikinitang sabi ng nakausap naming manager.

Naku, ha? Nagiging cycle na yata sa TV career ni Mrs. Dantes ang mga pinaiiksi niyang regular show, her two previous shows had to be cut short either they failed to deliver the desired ratings or may personal na dahilan tulad ng pagpapakasal nila noon ni Dingdong.

With the anticipated shortening ng soap ni Mrs. Dantes, at least, her loyal fans can make a convenient excuse, “Buntis kasi ang idol namin, ‘no!”

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III