Marian Rivera, kinakain nang buong-buo ni Glaiza de Castro sa aktingan

ADVERTISING

Marian Rivera, kinakain nang buong-buo ni Glaiza de Castro sa aktingan

Marian Rivera, kinakain nang buong-buo ni Glaiza de Castro sa aktinganPAINIT NA nang painit ang bawat eksena ng Ina, Kapatid, Anak nina Kim Chiu at Maja Salvador ng Kapamilya Network at ang Temptation of Wife nina Marian Rivera at Glaiza de Castro ng Kapuso Network na tunay naman sinusubaybayan ng masang manonood. Palibhasa parehong maganda ang istorya kaya patuloy namin itong sinusubaybayan. Palipat-lipat kami ng channel tuwing commercial break.

Lumabas na ang tunay na kulay ni Maja, mataray, palaban at walang inuurungan. Swak sa kanyang personality ang character na pino-portray nito, epektibo bilang kontrabida. Hindi rin nagpatalbog si Kim sa mabibigat nilang eksena ni Maja. Lalo na ‘yung sampal na pinakawalan ni Kim sa kanyang dating BFF. Lumatay sa pisngi ni Maja at totoong nasaktan ang dyowa ni Gerald Anderson sa eksena na ‘yun kaya parang tigre na gustong gumanti, naawat lang nina Janice de Belen at Ariel Rivera kaya hindi na ito nakaganti, kuwento sa amin ng malapit sa dalawa.

After the take, nag-sorry naman daw si Kim. Nadala lang daw ito ng eksena kaya napalakas ang sampal nito kay Maja. Hindi kaya iniisip ni Kim ang ex-dyowa niyang si Gerald sa eksenang ‘yun na ngayon ay boyfriend na ni Maja kaya’t ganu’n ang nangyari?

Totoo palang may ilangan ngayon sa pagitan nina Kim at Maja kahit pa sabihing magkasama sila sa teleserye. Kung dati-rati raw ay masayang nagkukuwetuhan ang dalawa tuwing break. Ngayon daw, tahimik na nagbabasa ng script, palaging silang seryoso. Nag-uusap lang sina Kim at Maja kung kukunan na ang kanilang eksena, tsika pa ng aming source.

ADVERTISING

Nakagugulat din ang mga eksena nina Marian at Glaiza. Palaging nagsasalpukan ang dalawa tuwing magkaeksena sila. Maganda ang palitan ng mga dialogue, totoong-totoo. Super galing ni Glaiza, kinakain nang buong-buo si Marian sa bawat eksena nilang dalawa. Hanggang ngayon hindi pa rin marunong umarte itong dyowa ni Dingdong Dantes. Dapat siguro may acting coach itong si Mariana sa set para maging makatotohanan ang character na ginagampanan niya kung sakali.

ANG GSMI’S ay magkakaroon ng ‘Ginuman Fest’ at magbubukas ang 15-leg tour nito on January 19 at the Plazuela in Tarlac City. On the event’s, music lover can look forward to evening of great music as featured artists perform their greatest hits. Nand’yan ang GSMI’s band endorsers The Itchyworms, Kenyo, Callalily, Rocksteddy at ang dance sensation Jhong Hilario. Makakasama rin nila sina Anne Curtis, Maja Salvador, Solenn Heussaff at ang 2013 Ginebra calendar girl na si Georgina Wilson na iikot sa Greater Manila Area para magbigay-aliw sa iba’t ibang barangay sa Metro Manila.

A total of 100,00 in prize for each leg is up for grabs for lucky game participants. From Tarlac, Ginuman Fest moves to Davao (February 1); San Fernando, La Union (February 16); San Pedro, Laguna (February 23); Cebu (March1); Antipolo (March 9); Pampanga (March16); Tuguegarao, Cagayan (March 22); Kalibo, Aklan (April 12); Dasmariñas, Cavite (April 19); Lipa, Batangas (April 26); Solano, Nueva Vizcaya (May 17); Lucena, Quezon (May 24); Naga, Camarines Sur (May 31) at Metro Manila (June 8).

 AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING