Marian Rivera, kasing galing na raw umarte ni Nora Aunor?!

ADVERTISING

Marian Rivera, kasing galing na raw umarte ni Nora Aunor?!

Marian Rivera, kasing galing na raw umarte ni Nora Aunor?!IT SEEMS that the camp of Marian Something is using Superstar Nora Aunor para palabasing magaling nang umarte ang dyowa ni Dingdong Dantes.

May nabasa kaming article sa isang obviously ay maka-Marianita na nagsasabing ang pag-arte nito ay mala-Nora Aunor.

“Marian is doing it Nora Aunor style where most work happens through her eyes.”

‘Yan ang walang kagatul-gatol na sabi sa entertainment website about Marian’s acting sa teleserye niyang kokonti lang naman ang sumusubaybay.

ADVERTISING

Nagbago na kasi ang character na ginagampanan ni Marianita at parang pinalalabas na very subdued ang acting nito with only her eyes working to convey her message.

What?????? Kaya na ni Marian ang legendary brand of acting ni Ate Guy? Kelan at saan at paano nangyari ‘yon? Ito ba ay isang ilusyon, panaginip o isang bangungot?

The nerve of this website operator to say that Marian Something’s acting is akin to that of Nora Aunor. Bangag ba siya? How idiotic can some people really get, ‘no?

Since when has Marian’s acting been on the same level with that of the Superstar?

Obviously, the article was made to boost interest in the soap opera of Marianita na hindi naman nagre-rate.

The nerve of this website to use Nora Aunor, ha? Wala siyang katakut-takot na ikumpara si Ate Guy kay Marianita gayong wala naman talagang binatbat ang dyowa ni Dingdong.

Actually, to be honest about it, mas magaling namang ‘di hamak si Glaiza de Castro kaysa kay Marianita, ‘no!

Magtigil nga sa ilusyon ang kampo ni Marian. Magkape nga kayo nang kahit paano ay kabahan kayo. You’re so over, over sa kapalllllllll!

 

Marian Rivera, kasing galing na raw umarte ni Nora Aunor?!NAGULAT NAMAN si Congreswoman Lani Mercado sa tsikang nagpaalam na sina Jolo at Jodi Sta. Maria sa kanila ni Senator Bong Revilla na magpapakasal na.

“Me gano’n?” sabi ng tila nabiglang si Lani.

“Wala pa namang  gano’ng nagaganap. Naano ako. Christmas gift ba ‘yon? Hindi ko alam. Wala pa naman gano’ng pangyayari. Sa tingin ko pinu-pursue pa niya ‘yung kanyang dream para maging isang public servant. Siguro career din muna ‘yung iisipin nila parehas. Give them time.”

Sabi pa niya, hindi pa possible ang wedding since “may mga hinihintay pa sila”.

Pero tila wala namang tutol si Lani sa pag-iibigan nina Jolo at Jodi.

“Alam mo basta mahal ng anak ko at nagkakasundo (ay) wala naman akong hadlang basta they complement each other wala akong hadlang basta nakikita kong masaya ang anak ko.”

 

NAGKATOTOO ANG wish ni Laguna governor ER Ejercito na mabigyan ng Rated A ang movie niya.

Tila nagdilang-anghel ang actor-politician when he said during the presscon of the movie na sana’y mabigyan ng magandang rating ang historial movie niya.

Nang patapos na ang chikahan with the press ay may nagsabi kay Governor Ejercito na binigyan ng Rated A ang pelikula ng Cinema  Evaluation Board.

Dusa ang inabot ni Governor Ejercito while shooting the movie about Emilio Aguinaldo. Twice kasi siyang nadale ng pneumonia.

Kung hindi pa kay Cesar Montano na kasama rin sa movie ay hindi pa malalaman ng press na nagkaroon ng pneumonia ang actor-politician.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING