Marian Rivera, kapansin-pansin ang pagbabago ng ugali

ADVERTISING

Marian Rivera, kapansin-pansin ang pagbabago ng ugali

1 Marian-RiveraKAKAIBANG ATTITUDE ang gustong i-project ni Marian Rivera sa press launch ng Ginebra San Miguel calendar 2014. Ang nasabing event ay inihahandog  para sa nalalapit na 180th anniversary ng flagship brand Ginebra San Miguel Inc. (GSMI) sa susunod na taon. Daring and sexier ang tatlong posing/ layout ng dalaga for the calendar 2014. Naging image model na rin siya noong 2009.

Ayon kay Marian, mas may confident siya ngayon kaya nagawa niya nang tama ang daring pictorial. Natutuwa siya dahil maganda ang naging resulta at nagustuhan ito ng mga big bosses ng Ginebra. Bago i-finalize ang layout, pinaa-approve muna ito sa actress.

Kailan lang, she was voted the sexiest female celebrity in the country by FHM Magazine. Naging lead star ng GMA -7’s top-rating primetime soap Temptation of Wife and Star Cinema’s and Reality Entertainment’s Kung Fu Divas with Ai-Ai delas Alas. Malapit nang simulant ang upcoming series niya “One Day, Isang Araw: Ang Sikreto ni Milette sa Kapuso Network.

Marian-RiveraKalian naman kaya gagawa ng pelikula together ang mag-sweetheart na sina Dingdong Dantes at Marian?

ADVERTISING

Paliwanag ni Marian, “One at a time, hindi ko pagsasabayin ang TV at pelikula. Sa ngayon, concentrate muna ako sa bago kong soap. ‘Yung movie with Dingdong, hindi ko masabi kung kailangan. Depende siguro kung may magandang material na babagay sa aming dalawa na kakaiba ang story. If ever, may magandang script at maluwag pareho ang schedule namin, why not?”

Kapansin-pansin ang malaking pagbabago sa pag-uugali ngayon ni Marian. Napaka-sweet niya sa entertainment press nang hapong ‘yun lalo na sa Q & A portion. Sinasagot niya nang walang katarayan ang mga katanungan ng press nang maayos kahit medyo bastos. Game naman ito, ngingiti lang siya kapag ayaw niyang sagutin ang tanong. Hindi tulad ng dati, bara-bara kung sumagot. Kapag wiz niya type ang nagtatanong, tatarayan niya ito. Malaki ang pinagbago ng character ni Marian simula nang lumayas ito sa poder ni Popoy, totoo pero hindi bastos. Tahimik na nga ngayon sa mga negative issue ang actress.

Totoong pinaghandaan ni Marian ang pictorial para sa calendar 2014 ng Ginebra San Miguel. Diet, exercise, zumba (pampaliit ng baywang) ang ginawa niya. Kailangang maging alluring and sensual ang actress sa mga kuha ng photographer na si Marc Nicdao, at Liz Uy ang stylist, na kinunan sa Batangas, Boracay at Palawan.

Three different layout na naka-two-piece bikini ang ginamit ni Marian for the poster ng Ginebra calendar 2014. “’Yung first layout na naka-yellow bikini ako, mas relax ang posing ko du’n. Hindi ako nahirapan, madali naming natapos ni Marc. ‘Yung red bikini, mukhang mamahalin ang dating ko du’n sa poster. At ang pinakamahirap na pictorial ko ay ‘yung naka-white two piece ako dahil aahon ako sa tubig tapos saka ako kukunan, paulit-ulit ‘yun pero enjoy, ” kuwento ng dyowa ni Dingdong.

Walang naging problema habang pini-pictorial si Marian sa beach, may mga barangay tanod na nagko-control sa mga taong gustong masilayan ang kaseksihan ng dalaga. Sobra raw ang ginawang pag-aasikaso at suporta sa kanya ng grupo ng Ginebra. Para nga raw siyang reyna sa set, “Totoo ‘yan, kaya nang malaman kong gusto uli nila akong kunin for the second time para maging calendar girl for 2014, agad-agad kong tinanggap. Hindi naging problema ang talent fee dahil tiwala ako sa support na ibinibigay nila sa akin,” papuring sabi ni Marian.

Sa takbo ng career at lovelife ni Marian, wala na nga yata siyang mahihiling pa. Hindi raw sa lahat ng pagkakataon  ay kailangang humingi sa Panginoon. Dapat daw magpasalamat tayo sa mga blessing na ibinibigay niya sa atin.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING